EP-6 TUTOR

21 4 0
                                    

EP-6 TUTOR

Tulala ako ngayon sa klase habang naglelecture si mr. Tores yung math professor namin. 3days na niyang naistart ang lesson na to pero hanggang ngayon Wala akong maintindihan bwisit na math kase na yan eh! Parang babae ang hirap intindihin! Haaay!

"Get one and pass please. We're having our long quiz today."

Whaaaat!!!? Geez! Wala akong naintindihan tapos biglang maglolong quiz!? Arrrghh!

Rinig ko rin pagtutol ng mga classmates ko kaya alam kong hindi ako nagiisa. Pero wala rin kaming nagawa kundi itake ang very looooong quiz na to tsk.

"Pakopya." Bulong ni cynthia sakin. Nang aasar ba to?

"Sige. Oh kopyahin mo"

Inabot ko sakanya yung papel ko at nagsalumbaba nalang. Haayy sinilip ko sa side ng mata ko si ace Buti pa siya mukhang chill lang sa pagsagot. Siya ng matalino tss.

"Ano to? Anong gagawin ko sa pangalan mo! Bat wala kapang sagot?" Reklamo ng bestfriend ko sakin. Siya na nga tong nakikikopya!

"Eh sa wala akong nagets eh! Tsk akina nga!" Hinablot ko ang papel ko tska nanghula ng sagot. Actually yung iba alam ko naman kaso mas marami akong hindi nakuha. Ayoko namang mangopya kay ace noh! Nakakahiya!

After 30 mins natapos din ang long quiz nung inaannounce na ang mga score para mairecord nabigla ako nung maperfect ni ace yung quiz! Grabe di man lang ako inofferan ng tamang sagot neto kahit kalahati man lang!

"Roxas?" Tanong ni sir.

"21 po sir!" Sagot ng studyante sa kabilang row namin. Di kase namin hawak ang papel namin dahil pinasa yung sa kabila exchange daw kase.

"Akalain mo yun naka 21 pako? Haha" tawa tawang sabi ni cynthia.

May tinawag pang dalwang studyante si sir bago ako.

"Sandoval?"

"9 sir!" Sagot ng classmate ko.

Whaaaat? Ano! Dapat naka 15 ako anong nangyare!?

"Patingin nga!" Hinablot ko ang papel ko at tinignan kung tama ba ang pagcheck niya.

"Ahh ano.. Tama yung sagot mo pero mali ang formula eh, wrong daw yun sabi ni sir" mahinang paliwanag niya saakin.

Tsk. Di nalang ako nagreact at bumalik na sa upuan ko tska nag lagay ng alcohol.

"Ms. Sandoval bakit walang improvement ang mga score mo sa Quiz? Pag ganyan ka ng ganyan pwede kang mag failed. I want to see good scores next time!"

"*sigh Yes sir." Sabi ko nalang. Nakakahiya si ace perfect tas ako lowest!

Dinismiss nakami ni sir pagkatapos nun. Tska dumaretso kami sa library ni cynthia para sa free time namin. Si ace may practice naman sa basketball.isa pa hindibnaman lahat ng subject magkaklase kami. Si cynthia kasama ko sa lahat ng subj. Dahil same course naman kami. Si ace kase sa engineering siya.

"Himala. Dika ata nanuod laro ng Bestfriend mo?" Sabi ni cynthia habang tumitingin ng sagot sa assignment namin sa biochem.

"Ayoko muna, mamaya ko nalang siya pupuntahan kapag wala ng masyadong tao. Baka mangamoy pawis pa tayo dun eeew!"

"Sinumpong ka na naman ng kaartehan mo haha"

Ang totoo nag aalala ako sa grades ko, ang layo kase ng agwat ng grades namin ni ace eh :( ang rank niya #1 sa engr.dept. samantalang ako pang 110 rank ko sa dept. Namin! Kaya kailangan kong mag extra sipag para medyo tumaas naman ako kahit konti!

Expensive Profit!Where stories live. Discover now