EP-12 SORRY NA

18 2 0
                                    

Bwisit! Bwisit!! Bwisit!!!

Argggh! Nakakainis na araw naman oh!

"Huy! Kung makaBusangot ka naman diyan parang dina sisikat yung araw bukas ha! Hahaha!"

sabi ng bestfriend ko.  Si cynthia ang tinutukoy ko ha hindi yung mokong na yun!

Sino ba kaseng hindi maiinis sa ginawa niya saakin? Ok kami kagabi at kaninang umaga tas ngayon may dumating lang na bago, wala na etsapwera nako ganun! Kahit nung break time dun siya sa haliparot na yun sumabay! Malaking WHAT THE HECK! Diba!!? Tss.

Classmate ko si ace ngayon pero ayoko siya makita nababanas ako.. Buti nalang at isang subject ko lang classmate yung babaeng yun! Kaya naman natripan kong tumambay nalang dito sa upuan sa ilalim ng puno malapit sa field kung san may naglalaro ng soccer. Dito kami madalas ni cynthia. Kun hindi sa
Cafeteria, library ehhl nandito kami, masarap kase yung hangin dahil open space yung lugar.

"Hindi kaba naiinis cynthia?"

"Naiinis din.. Pero mas natatawa ako sa itsura mo Hahaha sobrang affected ka noh? Ngayon lang kitang nakitang ganyan Hahahaha"

Kita nyo to? Imbes na pagaanin ang loob ko tatawanan pako! Sabagay ganyan naman sya lagi nya naman akong pinag tatawanan hmp! Inisnoban ko lang siya. Kayra natawa nanaman siya.

"Tama na nga yang kaemohan mo halika na magsisimula na yung next class natin"

Isa isa nyang niligpit ang mga gamit nya pero di ako gumalaw. Tinatamad na ako.

"Oh ano na?" Tanong niya habang nakatayo na sa harapan ko.

"Sige pasok ka na. Magpapalamig muna ako dito" sagot ko skanya.

"Sure ka?"

Hindi ko siya sinagot, inayos ko ang bag ko at humiga ako sa batong upuan na inuupuan ko pero nasa lupa ang mga paa ko since hindi naman ganun kahaba yun. Pinatong ko ang blazer ko sa bandan legs  ko  na naka cross para di ako masilipan.

Narinig ko lang siyang bumuntong hininga.

"sige sabihin ko nalang masakit yung ulo mo. Papasok nako ha? Bawal ako umabsent alam mo na para sa ekonomiya Hahaha"

Siraulo talaga toh! Haha kumaway ako sakanya, hanggang sa narinig ko nalang yun yabag niya palayo. Nilagay ko yung panyo ko sa mukha ko.. Ok narin siguro toh, magpalamig muna masyadong sira ang araw ko . papanget lang ako kung kukunot maghapon ang noo ko..

Sa tahimik ng paligid at sa sarap ng hangin dinalaw ako ng antok at nakatulog nako.

Booogsh!*

Napabalikwas ako sa bolang tumama sa balakang ko.

Ouch! Lihim kong ininda ang sakit. Marahas kong tinanggal ang panyo sa mukha ko at tinignan ng masama ang hinayupak na nakatama saakin ng bola.

"Sorry! Nasaktan kab- Shina ikaw pala!" I rolled my eyes on him.

"Bat andito ka?"
Hindi ko yun sinagot at nilagay uli ang panyo sa mukha ko. Bwisit! Mang iistorbo nalang mananakit pa tsk!

Naramdaman kong umupo siya malapit saakin. At pinaglaruan niya yung bola niya, naglalaro ng soccer siya lang mag isa? Loko! Basketball sports nya ano kayang tinira neto.

"Mukhang bad mood ha? Haha!" Di parin ako sumagot.

"Tulog kana ulit?"

"........."

"Nga pala nakita ko sa ace kasama nung bagong studyante ha, ang ganda nun noh? Shiera daw ang pangalan eh"

"Go away ethan. I want to be alone shoo!"
Sagot ko skanya pero nakatakip parin ako ng panyo ko.
Narinig ko ang makahulugan niyang tawa.

Expensive Profit!Där berättelser lever. Upptäck nu