Ep-17 University Ball

21 3 0
                                    


"Shina bilisan mo malelate kana!"

"Wait laaaang!" Sagot ko at lumabas na ako ng kwarto ko kasama si ms. Kang yung gay na makeup artist na laging kinukuha ni mama.

"Wow ang ganda ganda naman ng baby ko!" Salubong sakin ni mama.

"Super gorgeous madame! Oh diba wa kayo ma say noh?" Sabi naman ni ms.kang.

I'm wearing my elegant long black maxi dress na gawa ni ninang jess, If you remember her. Sakanya ako palagi pinapagawa ni mama because she's really good in this kind of business.

"Thankyou you're the best!" Sagot ni mama kay ms.kang

"Anything for you and your daughter madame" ngiting tugon naman nito.

"Oh siya it's nearly 7pm na. You should get going"

Sabi ni mama. Teka nasan pala si ace? Siya date ko ngayon ah? Ilang beses kong pinaalala skanya para di niya makalimutan. Lutang kase siya lagi at parang malalim ang iniisip.

"Ma asan na si ace?"

"He's outside, may tatawagan lang daw sandali"

"Ohh? Ok. Sge na ma alis na ako, thankyou ms.kang!"

"You're welcome! Take care and enjoy the night princess" nag wink pa siya sakin. Pinasadahan ko pa ng isang ulit ang sarili ko sa salamin, halos hindi ko na halos makilala ang sarili ko the gown and make-up sobrang bumagay.

Credits to my artist,designer and my mom for this perfect human being ever made in this whole entire world! Haha kidding!

Hinatid na nila ako sa labas at nakita ko na nakatayo si ace sa gate habang may sinusubukang tawagan.

"Ace let's go?"

Humarap siya pag kasabi ko nun. Kita ko ang literal na pagnganga niya nung nakita niya ako, unti unti niya ring binaba ang phone niya na nasa kaliwang tenga niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Pero kasabay nun ang pagkamangha ko sa itsura niya ngayon. He looks like a prince. Bagay ang suot niya skanya, his dark gray eyes, his natural pink lips plus his face reactions makes my heart beat faster!

Hindi ko ata kayang titigan niya ako ng ganun.

"Baka matunaw ako niyan" nagsmirk ako skanya.

"You look great" ngiti niyang sabi sakin.

"Anong great? I look pretty gorgeous!" Biro ko sakanya kaya natawa naman siya.

"Shall we?" Nakangiti niyang aya saakin. I smiled at Kinuha ko naman ang kamay niya na nakalahad saakin. Pinagbuksan niya ang ng pinto ng sasakyan niya bago siya lumipat sa kabila.

Maayos na sana ang lahat pero..

"Wait di ito ang daan papuntang venue ha?" Takang tanong ko saknya. Iba kase yung daan na nilikuan niya.

Ngumiti lang siya saakin at nagdrive parin hanggang sa huminto kami sa familiar na gate.

Just what i thought. Ugh.

Bumaba siya at nagdoorbell. Bumaba narin ako at sumandal sa sasakyan nya..

Maya maya pa ay lumabas na si tita minerva.

"Oh hijo andito ka pala"

"Tita susunduin ko po sana si Shiera"

"Shiera anak may sundo ka naman pala eh hindi mo na kailangang magpahatid sa daddy mo" baling ni tita minerva sa bagong labas na si Era. Woah what a gown. Maganda din white and gold pero mas maganda yung sakin. Medyo nagmukha siyang dyosa sa suot niya pati narin yung style ng buhok niya bagay na bagay sa itsura niya ngayon.

Expensive Profit!Where stories live. Discover now