EP1-Kaartehan

43 4 0
                                    

"Ano kaba cynth! tignan mo sa kaharutan mo nadumihan tuloy uniform ko!"

Sigaw ko sa bestfriend ko. Habang pinupunasan ng tissue yung ice cream na dumikit sa uniform ko. Tsk kainis! Ilang beses kong sinigurado kay manang linda na dapat maputi tong uniform ko at siguraduhing walang dumi! Ayan tuloy madumi na! aarrgh!!!! Gusto ko umiyak!!

"O.A mo naman Shina! Para patak lang eh!" Inirapan nyako at patuloy na nakiusyoso sa mga studyanteng nagkukumpulan dito sa cafeteria.

Oo alam kong O.A ako, masyado akong adik sa kalinisan. Ayaw kong mapawisan or madumihan man lang. Ayokong mabahuan sila saakin o kaya mandiri. Eh bakit ba!? Naranasan ba nilang pandirihan noon? Kase ako oo at ng taong gusto ko pa! Alam nyo ba yung ganung feeling!? I swear! Hindi na ulit mangyayare yun!

"Tsk! Ako pa talagang O.A ha?" Singhal ko skanya.

"Eh sino kaya tong di makapagugaga kakasilip sa bagong transferee? Like duh!? Ngayong lang ba kayo nakakita ng tao kaya ganyan kayo? Tss."

Inirapan ko siya at iniwan na dumaretso na ako sa Cr para gawin ang routine ko 30minutes bago matapos ang breaktime namin.

Humarap ako sa salamin at naghugas ng kamay, naglagay din ako ng handsanitizer at pagkatapos nagtoothbrush na, after nun nagmumog ako ng mouthwash.. Ewan ko ba hindi ako kuntento sa toothbrush lang pakiramdam magiging badbreath ako whole day kapag nakaligtaan ko yun.

Sa mukha naman nagpunas ako ng wipes na may antibacterial with vitaminE para palaging fresh skin ko. Hindi ko hahayaan ang pimples na mag invade sa face ko at gawing kawali ang mukha ko dahil sa oil! Eeeww! NO FREAAKIN' WAAAY!

Then naglagay ako ng pink na lipstick na bagay naman sa mga labi ko. Wala akong masyadong nilalagay na kulorete sa mukha natural beauty ang meron ako.
Wag kang kumontra alam yan ng lahat ng studyante sa skwelahan nato HAHAHA~

*BLAAAAAAG!!!

Napatigil ako sa pagkausap sa sarili ko ng makita kong pumasok ang bestfriend ko.

"Huy! Ano kaba hindi kapa tapos dyan!?" Reklamo nya.

Hindi ko siya pinansin at inayos ko ang curly kong buhok..

"Anak ng teteng naman oh! Halika na patapos na yung Break!" Sabay hila sakin.

"Ano kaba naman cynthia parang hindi ka naman nasanay ehhh!!" Himutok ko sakanya at nilapit ang mukha ko sa salamin para tignan ang mga invisible pores ko. Oo meron ganun!

"Oo sanay nako sayo! Pero hindi tayo pwedeng malate ngayon dahil classmate natin yung transferee student!!!!!"

Napatakip ako ng tenga sa ginawa nya. Anak ng! Eto nanaman sya! Alam nyang nageecho sa Cr tapos titili sya!

"Ano kaba at nakikisali ka naman sakanila! Sabik ba kayo sa boys?" Sinimangutan nyako.

Kalat na sa school na may bagong transferee student, gwapo DAW at matalino DAW. Hindi ko alam na classmate pala namin yun. Hmmm kung sabagay nakakaexcite din naman makakita ng bagong mukha dito sa school.

Lumabas na kami ng Cr para sa ikakatahimik ng butsi nitong kaibigan ko... Sakto naman at biglang nag ring yung bell indikasyon na magsisimula na ang klase.

"SH*T!.. HALIKA NA LATE NA TAYOOO!!"

Hayyy ito ba si HILA GIRL!? Bat lagi tong nakahila! Tsk.

"Hoy! Teka cynth!" Awat ko sakanya.

"Teka nga lang naghugas kaba ng kamay mo!!!?" Sigaw ko skanya habang hila pa nya ako at tumatakbo.

"Malelate natayo yan pang naisip mo!! Tigilan mo nga muna yang pagiging cleanfreak mo!" Sagot nya sakin pero dipa rin ako binitawan.

Expensive Profit!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon