EP-11 WTH!

22 3 0
                                    

Nagkausap kami ni papa ngayon, sinabi niya sakin na baka makapunta siya sa debut ko. Pero di naman sigurado. Kase sinabi niya rin sakin yun nung mga birthday ko pero ni anino niyan hindi ko nakita.

Nung mga panahon na dinalaw kami ni papa yun ang isa sa mga importanteng araw para saakin. Kaya kahit di ko yun birthday lagi ko yung tinatandaan.

Ang totoo umasa ako nun na baka pwede silang magkabalikan ni mama at mabuo ang pamilya namin. Pero gumuho yun nung isang araw ipinakilala ni papa sakin si Era, anak niya sa asawa niya ngayon. Matanda siya saakin ng 7months lang kaya kaedad ko parin siya. Nagtataka ba kayo kung pano nangyari? Nabuntis lang ni papa si mama habang kasal siya sa unang asawa niya.

Ang sabi ni mama hindi nila sinadya ang nangyari. Magkababata sila ni papa basta isang araw nalang nabuntis siya ni papa. Basta alam nyo na yun kung anong nangyari. Dahil sa nangyare tinakwil si mama ng mga magulang niya dahil kahihiyan daw yun, nagpabuntis siya sa taong may asawa na. Umuwi si mama dito sa pilipinas at nagsimula ng buhay habang nasa sinapupunan pa niya ako. Nung una hindi alam ni papa na pinag bubuntis ako ni mama nalaman niya nalang yun nung dalwang taon nako.

Nagoffer ng tulong si papa kay mama pero nirefuse yun ni mama. Kahit maraming hirap na pinagdaanan si mama hindi parin siya sumuko, kahit kailan hindi siya lumapit sa mga magulang niya. Nabuhay kami na mahirap dahil walang ibang alam na trabaho si mama.

Hanggang sa nagbalik si papa this time desidido na talaga siyang tulungan kami, dahil sa pagpipilit ko kay mama pumayag siya. Nagstart siya ng business at binilhan kami ni papa ng bahay.

Sa ngayon maayos ang estado ng buhay namin.

*

Pumasok ako mag isa ngayon sa school. Sinabi kase sakin ni ace na hindi siya makakapasok ngayon pero di niya sinabi kung anong reason niya. Naisip ko nalang na baka masama ang pakiramdam niya kaya hinayaan ko nalang.

Pagdating ng uwian naisipan namin ni cynthia na mag mall muna, sabi niya kase samahan ko siyang mag window shopping gusto daw niyang mamili para sa isusuot niya sa University ball.

Naglibot lang kami hanggang sa mapagod kami. Sa huli sinuggest ko nalang na tumingin sa shop ni ninang sigurado akong maganda pa ang mapipili niya.

"Yaaaaas! I feel freeeee!!"

Napalingon kami ni cynthia sa babae sumigaw. Nagtatatalon siya at masayang nagpalipat lipat ng stall. Ano ba to parang ngayon lang nakakita ng mall!

"Tara na girl." Aya ni cynthia sakin. Hinila na niya ako sa labas ng mall.. Nilingon ko yung babae na tumatakbo na ngayon. Haha! Ang kulit eh san kaya bundok galing yun xD

Hinatid na ako ni cynthia.sa bahay dahil may sarili naman siyang sasakyan. Pagpasok ko sa loob naabutan ko si mama.

"Just in time. Let's eat dinner" she gave me a sweet smile. Dumaretso na siya sa dining area, ganun din ako iniabot ko lang kay manang minda yung bag ko at dina nagabalang magpalit ng damit. Tamang tama gutom nako! Si cynthia naman kase eh ang yaman yaman di man lang ako maisipang pakainin pagkatapos ko siyang samahan aish! Kuripot nun!

"Your dad called me." Basag ni mama.

"Really? Oh ano daw?" Sumubo ako ng kanin na may adobo.

"Nakauwi na sila dito"

"Whaaat!? Kausap ko siya kahapon di man lang niya nabanggit!" Himutok ko.

"Baka nakalimutan lang niya. You know naman masyado siyang busy" nakangiting sagot ni mama. I can see na hindi na affected si mama. Good for her, I want her to be happy too. Sabi ko nga kay mama magasawa siya eh Find her happiness! Kase hanggang ngayon single ang status niya. She never get married before pero ang lagi niya lang sabi sakin na sapat na ako para sakanya. Im so lucky to have her.

Expensive Profit!Where stories live. Discover now