Prologue

64 4 3
                                    


REMINDERS!:

All the Characters, Names, Places, Date, Scenes or any any other things that happen inside this story is all work of my imagination. If you find the plot of this story has similarity to your work or to others, I'm sorry but it is completely coincidental.

SO HERE IT GOES. ENJOY :)

___________________________________________________________

"Hoy!" Sigaw ko sakanya habang hingal na hingal pa.

Napalingon naman siya saakin at hinintay ako makalapit sakanya.

"Bha-kit.. Hhindih mo sinabih na aalis kah Hah!?" Hinihingal ko paring sabi sakanya.

Natawa naman siya sakin, Siguro sa itsura ko. Kagigising ko lang kase at hindi pa naghihilamos. Dali dali kase akong tumakbo sa kanila nung malaman ko kay mama na aalis na sila. nakita nya raw kase na pinapasok na ang mga gamit nila sa sasakyan nila at parang may pupuntahan kaya tinanong nya ang mga ito. Dun nya nalaman na ngayon ang alis nila Eca at sa ibang bansa na titira.

"ANONG TINATAWA TAWA MO!??" sigaw ko sakanya. Badtrip tinatanong ko tawanan ba naman ako!

"Hoy Shina! Naligo kaba!?" Natatawa nyang tanong.
Sabi ko na nga ba eh napansin nya itsura ko tss.

"Hindi mo sinagot tanong ko!" Pagiiba ko ng usapan.

"Amoy panis na laway kapa ha! HAHAHAHA!" Ay buntalin ko kaya toh! Tsk

"SYEMPRE KAGIGISING KO LANG! AT NALIGO AKO NOH! GRABE TO!"

"Alam ko yan din yung suot mo kahapon ha? Hahaha naligo ka bat dika nagpalit ng damit? Hahaha" asar nya sakin.

Pahiya ako dun ah. Eh bat ba tamad ako maligo eh! Ang lamig kaya sa gabi tska matutulog kana lang magbibihis pa! Tss mayaman kase sila at ako mahirap lang.

"Oo na! Wag mo nga ibahin yung usapan!"

"Anish amoy panis!! HAHAHA" pang aasar nya.

Bwisit!!! Bat ko ba nagustuhan tong tao nato!??

"Arrrrrghh!!!" Diko na napigilan kaya pinaghahampas ko sya sa braso nya.

"Aray!! Ano ba tama na!! Isa! Shina! Ano .. Tama na sabi eh!hahaha" tawa nya habang sinasangga ang kamay ko.
Kumalma nako

"Magkasama tayo kahapon bat dimo man lang sinabi saakin?"

Nagbuntong hininga siya at tinignan ako ng maganda at kulay grey nyang mata. Mukhang malungkot yun kaya bigla ako nakaramdam ng karayum na tumutusok sa dibdib ko.

"Ayoko kase makita na bigla ka nalang malungkot. Birthday mo pa naman ngayon" mahina nyang sabi.

Birthday ko ngayon at ito ang regalo nya sakin? Iiwan nyako? Iiwan ako ng taong nagpapasaya sakin??

Halos mangilid ang luha ko dahil pakiramdam ko magiisa nanaman ako bakit ganito?? Haaayy.

"Shina... Aalis nako at ingatan mo ang sarili mo" seryoso nyang sabi.

"Babalik ka pa naman diba??" Umaasa ako na babalik sya pero wala syang sagot.

"Sayo nalang to" inabot nya saaking ang isang teddy bear.
Tinanggap ko yun at tuluyan ng bumagsak ang luha sa mga mata ko.

Kinuha ko ang rubber na bracelet ko at ibinigay sakanya.

"Ano to! Luma nato ah? Ito lang ibibigay mo sakin!" Di makapaniwalang sabi nya.

"Eh yan lang ang meron ako! Ang arte mo naman!" Tumawa lang sya.

"Eca please!! Bumalik ka ha? Bumalik ka para sakin! Balikan mo ako..." Umiiyak na sinabi ko sakanya, hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko ayoko mawalan ng kaibigan, ng taong masasandalan parang diko ata kaya.

"Bat naman ako babalik para sayo?" Seryoso nyang tanong na nagpatigil sakin.. Tinitigan ko sya sa mata habang hawak ko parin ang braso nya. Para kaming couple na maghihiwalay at ako ang nagmamakaawa na balikan nya ako.

"K-kase .." Hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin ko.

"A-ano kase... GUSTO KITA!!"pikit mata kong pag amin sakanya.

Nagulat naman sya pero bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nya. Inalis nya ang kamay ko sakanya.

"Shina.. Diko alam kung pano mo ako nagustuhan kahit lagi lang naman kitang inaasar. Pero bilang kaibigan mo ayokong masaktan ka" hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kumirot ang puso ko sa mga salita nya, alam kong bata lang ako pero wala akong magagawa kung maagang tumibok ang puso ko ..

"Ayokong mangako na babalik ako at ayoko rin na umasa kang magugustuhan kita, i hate to say this.. Ni hindi ka nga marunong magayos ng sarili mo eh, dika naliligo at lagi nalang akong nagtitiis kapag magkasama tayo! Malabo na magustuhan din kita .. Sorry Shina kaibigan kita kaya ko sinasabi to. Sana naintindihan moko hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sayo"

Pagkatapos ng mga masasakit na salitang binitawan nya sakin umalis na sila at tuluyang naiwan ang puso ko na wasak at durog.. Bakit sobrang sakit? Katulad ni papa nireject din ako ng isa pang tao na mahalaga sakin..

"Naiintindihan kita..."

sagot ko kahit alam kong hindi nya na yung maririnig. Kasabay nun ang pagbuhos ng ulan na kanina pa nagbabadya..

Napatingin ako sa langit at ngumiti ng mapait.. Hinayaan kong mabasa nun ang mukha ko.

"Happy birthday to me"

Yun lang at muling tumulo ang luha ko.







****************

Expensive Profit!Where stories live. Discover now