EP-7 Someone Special

18 4 0
                                    

Andito ako sa living room nina ace. Ngayon na kase kami magsisimula para sa Operation pataasin ang Grades ni shina! Hahaha

"Ate shina! Tara laro tayo dali!!" Hinila ako ni aya para maglaro ng games diko alam yung laro pero nakakaenjoy siya.

"Yes!!! Panalo ako hahaha! Talo ka aya!" Sabi ko at nagtatatalon.

"Ang daya mo naman ate! Sabi mo first time mo laruin to?" Nagpout siya ang cute eh haha

"Haha bawi ka nalang game na ulit!" Nginisian ko siya saka nag start na maglaro uli.

"Aya anong ginagawa mo!? She's not here to play!" Napalingon kami sa papalapit na si ace. Lagot mukhang galit ah.

Hinila nyako at pinaupo kung san niya ko iniwan kanina.

"And you! Continue what your doing."

"Oo na po..." Napayuko nalang ako para ituloy ang ginagawa ko.

"Simple math lang to oh.. Highschool student knows how to answer this" tska niya pinakita kung pano sagutan. Pero diko yun tinignan dahil nakapako ang paningin ko sa mukha niya at sa pag galaw ng mga labi niya.

"Oh eto naman, mali yung formula na ginamit mo dito oh. Tinuro ko to kanina diba? Mag Focus ka kase"tuloy tuloy niyang sabi.

"Okay.." Sabi ko. Tinignan ko saglit yung papel tapos lumipat uli ang tingin sa mukha niya. Ang cute siguro ng magiging anak ko kung gray din ang mata niya tulad kay ace tapos kamukha pa niya waaah!!

"Shina *snap Focus on the paper not on my face" sh*t! Nahuli ako!!

"Aya hinaan mo kaya yan!" Sigaw niya pa kay aya. Bat parang iritable siya ngayon? Meron ba siya?

Mukhang hindi naman siya pinakinggan ni aya.

"Tigas ng ulo.. Let's go upstairs. Dun tayo sa room ko" isa isa niyang niligpit ang mga gamit namin.

"Oh tapos naba kayo?" Sabi ni tita aliya.

"Sa kwarto nalang daw po kami ni ace tita." Sagot ko naman.

"Ah osge iaakyat ko ang meryenda nyo"

Pumasok ako sa kwarto ni ace . Wow! Very manly ang ganda at ang ayos.. Nakita ko sa kama niya si polly kaya agad kong kinuha to.

"Polly!!! Kamusta kana! Hmmmm! Namiss kita!!" Sabi ko habang yakap at pinang gigigilan ang bear na bigay sakin ni ace noon.

"Bat mo ba niyayakap si polly diba sinoli mo na siya sakin? Akin na nga yan!" Kinuha niya sakin si polly tska pinagpag at nilagay uli kung nasan siya kanina.

Nginusuan ko lang siya grabe siya para namiss lang si polly eh tss. Pinagpatuloy namin ang lesson. Maya maya pa pumasok si tita aliya na may dalang cake at juice para saming dalwa ni ace.

"Thankyou po tita"

"Nasan si ace shina?" Luminga linga siya para hanapin ito.

"Lumabas po sandali, diko po alam kung san pumunta"

Lumabas narin si tita after naming magkwentuhan saglit. Sumunod ako palabas kay tita dahil puputok na pantog ko. Nakita ko si ace sa balcony na busy sa phone niya, parang may katext siya at medyo nakakunot ang nuo niya. Sino kaya yun?

Nahanap ko agad ang cr nila at ginawa na ang dapat ginawa, bumalik nako sa kwarto ni ace ng maabutan ko siyang may kausap sa phone. Nasa malapit siya sa bintana niya kung saan kita ang kwarto ko kaya di niya ako naramdamang pumasok.

"I'm sorry ok? I thought you've change your mind. That's fine with me... You take care of yourself ok?.. Yeah.. I'll see you soon... Bye."

Inend na niya yung call. Nakangiti na siya at napalingon sakin na nakasandal sa pinto.  Blanko ko lang siyang tinignan. Who ever that was.. Im sure that someone really affects ace's mood. Biglang may kumirot sa puso ko ng marealize ko yun... May ibang laman naba ang puso mo ace?

"San ka galing?"

"Cr lang." Tipid kong sagot.

"Let's continue?"

"Sure."

Nagpatuloy lang kami sa lesson. Pero wala ng pumapasok sa utak ko ngayon...

"Uhh.. Ace?" Basag ko sa katahimikan.

"Hmm? Bakit?" Mas maaliwalas na ang mukha niya ngayon kesa kanina na iritable at nakakunot ang noo.

"Tanong lang.. May babae nabang espesyal sayo ngayon?"

Kumunot ng konti ang noo nya bago sumagot.

"Why did you ask?"

"Wala naman... Imposible kase na wala diba? Seven years kang nawala."

Kase ako imposibleng magkaron dahil ikaw parin.. Yung akala kong crush napunta sa pagkakaGusto.. At patuloy atang lumalalim.

"Yes i have someone special"

Aray ko! Iiyak naba ako? Kinonfirm ko pa kase ehh!

"I-is she beautiful?" Kinakabahan kong tanong.

"She's gorgeous.. Beautiful woman on her very own way"  sabi niya pa na nakangiti.

"Bakit mo siya nagustuhan?"

"Bakit nga ba?? Siguro kase lagi siyang nandun para suportahan ako. Masaya siyang kasama and she's different.. " nakangiti nyang tugon habang nakatingin sakin.

Sige tanong pa shina! Saktan mo sarili mo!

"W-what's her name?"

"Sh..." Hindi niya natuloy yung sinasabi nung nagring bigla ang phone niya. Sinagot niya ito at lumabas ng kwarto niya.

SH?? Ano yun? Shina ba ang ibig niyang sabihin? Waaaah!! Wag kang assumera shina ha!! Babatukan kita eh!

Pero ako ba yun?

Natapos ang pagmumuni muni ko ng biglang pumasok si ace.

"Shina kailan ka free?"

"Huh?"

"Diba sabi mo you know a restau that serves delicious foods?"

"Ahh oo may alam ako"

"Great! kain tayo dun next time"



"S-sure!! Anytime pwede ako"

Natapos na siya sa pagtutor sakin kaya hinatid na niya ako sa lab ng gate namin.

"Thank you Ace ha?"

"You're always welcome."


" ano nga ulit yung name nung sinasabi mo?"

Ngumiti lang siya. Tska nagdoorbell.

"You'll know.." Sabi niya at nag bukas na yung gate namin.

"Pasok na hija" sabi ni manang minda.


"Ang daya mo!" Sabi ko kay ace. Nagpout lang ako and heard him chuckle.

"Soon.." Pagkatapos marahan niya akong tinulak papasok sa gate .

Dibale na nga.. Kung tama man ako o mali i'll find out soon.


Ang importante ngayon, may second date nakami ni ace ! Yiiiiiieeeehh! XD

Expensive Profit!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ