EP-8 Party

19 2 0
                                    

"Pano daw yun?" Kamot ulo kong tanong kay ace.

Eto nanaman kami sa math eh. Diko talaga magets!

Pinitik nyako sa noo.

"Ouch!"

"Makinig ka kase.."

Tska niya inexplain kung pano nakuha ni sir yung sagot sa board. Bakit kapag si ace nag eexplain nakukuha ko agad hahaha

After ng ilang subjects. Nag lunch na kami oo nga pala kasama namin sa table namin si ace ilang araw na namin siyang nakakasabay kumain dati kase kasabay niya yung mga kateam niya sa basketball. minsan magkavibes narin sila ni cynthia.

"Bro!" Sabi ng mga kateam niya nung mapadaan sa table namin. Tska nag fistbump? Yun ba tawag dun? Basta! Yung ginagawa ng mga lalake. Hirap mag explain

"Shina, pwede bang mahirap muna tong bestfriend mo? Di na siya sumasabay samin eh nakakamiss na siya" sabi nung diko kilala.

"Gag*" sabi naman ni ace at nagtawanan sila.

"Sorry guys. Akin muna siya ngayon tinutulungan pa kase nya ako sa mga assignments ko eh"

"Ayiiiieehh!" Sabay sabay nilang sabi pati si cynthia nakisali narin. Aishh!! Nakakahiya pinagtinginan tuloy kami!

"Di daw pwede sabi ni boss" he chuckled.

"Osige na nga next time nalang. Kaya kayo napagkakamalan dalawa eh Hahaha" sabi ni darren. Umalis na sila sa table namin. Nung mapansin ko na naman siya... Yung lalake nung minsang araw.

"Ace? Sino yun?" Tanong ko kay ace habang nakatingin dun sa lalake.

"Yun ba? Si Ethan. Bakit Crush mo ba?" Tanong niya habang nakataas ng bahagya yung kilay niya.

"Hindi naman siya new student dito pero magaling din siya maglaro. Nakakapagtaka nga ngayon niya lang naisipang sumali sa basketball team." Dugtong naman ni cynthia.

Well gwapo naman si ethan eh, matangos ang ilong pero di katulad kay ace brown ang mga mata niya. Matangkad din siya at maganda ang katawan. Ethan? Hmmm ethan? Bakit di familiar ang pangalan niya pero yung mukha niya familiar? Siguro nga nasasalubong ko na siya dati dito sa school. Pero bakit sabi niya long time no see??

"Wag kang lumapit sakanya shina" seryosong sabi ace.

"Bakit naman?"

"Wala lang basta sundin mo nalang ako"

"Okaaay.."

Sagot ko nalang. At pinagpatuloy na ang pagkain.. Pagkatapos ng afterlunch routine ko napadaan kami ni
Cynthia sa mga nag uumpukang studyante.

"Ano meron?"

"Tignan natin cynthia"

Lumapit kami at binasa yung nasa board.

"Oo nga pala malapit na yung Univ. Ball natin! 3 weeks nalang oh!!" Excited na sabi ni cynthia.

Oo nga 3 weeks nalang. Every year ginagawa ang Ball na to parang acquaintance party.. Pagkatapos nun 1 month nalang birthday ko na naman. Mag 18 napala ako akalain nyo yun?

Dalwang magkasunod na taon nakong nananalo sa face of the night sa ball. Si mama kase eh ayaw akong palabasin ng bahay hanggat di ako magandang maganda.

"Masquerade yung theme this year waaahh! Nakakaexcite naman!"

"Dapat maganda ako ngayon! I'm aiming for the face of the night title!"

Expensive Profit!Where stories live. Discover now