EP31: Come back

5.5K 181 2
                                    

~~~~
Third Person POV

Sa Evilandia ay napangisi naman si prinsepe Luvian. Konting konti nalang at matutupad na nito ang ninanais.

Plenty of his armies are now marching through the snowy deserted Moondrous World going to the Faraway Kingdom.

Oblivious of what will happen, the magic users were celebrating the annual festival happens every 13th of December. Snow were scattered everywhere but it didn't seemed to stop them from celebrating, knowing that their princesses are going to wake up anytime soon.

Napapangiti naman ang Hari at Reyna habang nakatitig sa mga anak na mahimbing pa rin na natutulog habang ang apat na bato ay nakalutang pa rin sa harap ng kambal.

Nagulat naman sila sa biglaang pagsulpot ni Goddess Luna na natataranta.

"Lumeena!"

"Ina? Bakit po?" nagtatakang ani ni Reyna Lumeena sa ina. Batid nitong bumalik ito sa buwan kung saan ito naninirahan kung kaya't nakakapagtatakang bigla na lamang itong sumulpot sa kanilang harapan.

"They are coming! We need to stop the celebration now and prepare for the war!"

"What?!" gulat na gulat na wika ng hari at reyna sa nalaman.

"Wala na tayong oras, paparating na sila anumang sandali at kailangan nating protektahan ang kambal. Hindi natin sila hahayaang makuha ang kambal." dahil sa sinabi ng ina ay nagmamadaling lumabas ng kwarto ang hari at agad inutusan ang mga kawal na maghanda at ibigay alam sa lahat ang impormasyon.

Natigil ang kasiyahan ng biglang umalingawngaw ang tunog ng horn. Isang babala sa paparating na panganib o digmaan. Agad naman nagsialisan ang mga mamamayan at lumikas sa ligtas na lugar. Ngunit ang iba ay hindi na nakalikas ng bigla na lamang sumulpot ang mga nilalang na kalahating tao at kalahating demonyo. Bigla na lamang nagkagulo ang lahat at lumalaban para sa kanilang buhay.

Dahil sa ginaw ng temperatura ay hindi sila masyadong nakakalaban. Tanging may mga ice na kapangyarihan lamang ang nakakatagal sa lamig na temperatura. Pero iba ang mga demonyong kaharap nila dahil hindi ito natatablan ng lamig dahil sa kapal ng mga balat nito.

"Anong nangyayare, Joaquin?" ani ni prinsesa Aira ng makita ang mga taong kalahating demonyo.

"Sila ay mga nilalang na galing sa Evilandia. Kailangan nating tulungan ang mga mamamayan!" ani ni Joaquin at akmang tatakbo na patungo sa kaguluhan ng bigla na lamang sumulpot si Goddess Luna.

"Mga bata!"

"Goddess Luna!" gulat nilang sambit na apat.

"Bantayan niyo ang kambal at huwag ninyong hahayaan na makuha ng mga taga Evilandia dahil tiyak kong katapusan ng lahat oras na mapapasakamay na nila ang kambal..." sa narinig ay napakuyom ng kamao si Joaquin at Bryle.

"So, ang mga prinsesa ang pakay nila upang buhayin ang kanilang pinuno. Kaya pala wala ng sumugod sa amin dahil hinintay nilang makumpleto namin ang mga bato..." ani ni Bryle at napatango naman si Goddess Luna.

"Mukhang iyon nga ang plano nila. Pero hindi pa patay ang kanilang pinuno, katulad ng sinapit ng kambal ay nagliliwaliw ang kaluluwa nito sa Walang Hanggan upang hanapin ang makapangyarihang bato---walang iba kundi ang heavenly stone. Ngunit ang pagkakaalam ko ay magpapakita lamang ang bato sa tunay na magmamay-ari nito. Mukhang gagamitin nila ang kambal upang makuha ang mga makapangyarihang bato." paliwanag ni Goddess Luna. Nagkatinginan naman ang apat. Agad silang tumango kay Goddess Luna at agad naglaho si Goddess Luna.

"Ano pa ang hinihintay natin? Tayo na sa palasyo at protektahan ang mga prinsesa!" ani ni Aira at tumango naman sila Joaquin, Bryle at Isagani. Agad silang nagteleport patungo sa kwarto ng prinsesa. Nadatnan nila ang reyna at nagbigay galang naman sila dito.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon