EP28: Aero Kingdom

4.8K 144 3
                                    

~~~~~~
Third Person POV

Napasalampak naman sa damuhan sila Joaquin at Bryle. Hindi pa rin nila alam kung saan hahanapin ang air stone. Yamot na yamot naman sa sarili si Bryle dahil hindi pa rin niya maramdaman ang presensya ng bato.

Si Joaquin ay nanatiling tahimik lamang. Malalim ang iniisip nito. Hindi naman siya inistorbo ni Bryle na ipinagpasalamat niya.

Ng makaramdam ng gutom ang dalawa ay nagpasya muna silang kumaen.

"Joaquin, bakit hindi natin subukan na hanapin ang bato sa Aero Kingdom?" suhestiyon ni Bryle na ikinatigil ni Joaquin.

"Bryle, ang talino mo!" napangisi naman si Bryle at nakipag-apir kay Joaquin. Binilisan na nila ang pagkaen upang makapunta agad sa paroroonan.

Wala silang sinayang na oras at pumito naman si Bryle upang tawagin ang pegasus na magdadala sa kanila sa Aero Kingdomm.

Ilang sandali pa ay nakita na nila ang dalawang puting pegasus na papunta sa kanila at lumapag ito sa kanilang harapan. Agad silang sumakay dito at lumipad naman pataas ang pegasus.

Hindi nila maiwasan ang malungkot ng makita ang buong Moondrous. Wala na itong kabuhay buhay man lang dahil sa mga patay na mga tanim at tanging estruktura na lamang ang nagbibigay kulay sa buong lugar. Ngunit ito'y unti-unti na rin nawawalan ng kulay.

Lumagpas naman na sila sa mga puting ulap. At naramdaman nila ang ihip ng hangin na masarap sa pakiramdam. Tila sila narerelax ng makasinghap ng preskong hangin.

Hindi kalayuan ay may nakita silang isang napakalaking gate na kulay puti. Lumapag ang pegasus sa harap ng mga kawal na nakaputi din.

"Nasa Aero Kingdom ba tayo Joaquin? Hindi pa tayo patay, hindi ba?" nanginginig na ani ni Bryle. Sinapak naman siya ni Joaquin kaya napaaray naman ang huli dahilan upang mapalabi ito.

"Ehem. Ano ang inyong pakay sa aming kaharian?" tanong ng isang kawal na nagbabantay.

Nagkatinginan naman sila Joaquin at Bryle dahil hindi nila alam ang sasabihin. Hindi naman nila pwedeng sabihin na naghahanap sila ng bato.

"Ah eh, gusto sana naming makausap ang Hari at Reyna. Galing kami sa Faraway Kingdom." sagot ni Bryle na medyo natetense.

Nagkatinginan naman ang kawal at saka ipinaalam sa loob na may hindi sila inaasahan na mga panauhin. Nakarating naman ito agad sa Hari at nagtataka kung ano ang pakay ng mga taga baba sa kanilang kaharian. Alam nila kung ano ang nangyayare sa baba at wala silang magagawa rito. Kaya ano kaya ang pakay ng mga ito sa kanila?

Nagalak naman sila Joaquin at Bryle ng binuksan ng mga kawal ang gate at saka sila pinapasok.

Ngunit agad naman napatigil si Bryle ng maramdaman ang isang pwersa na nanggagaling sa loob ng kaharian. Ang enerhiya ng air stone.

"Joaquin... nandito ang air stone." ani ni Bryle na nakapagpakuha ng atensyon ni Joaquin.

Nagpatuloy naman sila sa paglalakad at sinundan ang kawal na magdadala sa kanila sa loob ng kaharian. Napapatingin naman sila sa buong lugar at hindi nila maiwasan ang mamangha dahil sa estruktura. At napansin nilang puro puti ang damit ng mga tao pero ang linis nitong tignan. Napahinto sila ng huminto ang kawal.

Pinasakay naman sila sa isang karwahe na magdadala sa kanila sa palasyo. Pinagtitinginan naman sila ng mga mamayan dahil sila lamang ang naiiba. Napatingin naman sila sa sarili dahil sa kanilang kasuotan pandirigma na kulay pula at itim na may halong puti.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa harap ng palasyo. Bigla naman nagbukas ang malaking gate at pinapasok sila sa loob. Huminto naman ang karwahe at bumaba na sila. Pinatuloy sila sa loob at namamangha naman sila sa desenyo. Sinundan nila ang kawal at pumasok sila sa isang kwarto.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon