EP8: Luna meets Princess Alesia

7.6K 214 8
                                    

~~~~~
Luna POV

Napangiti naman ako ng makarating kami sa garden. Ang ganda.

Excited naman akong tumakbo patungo sa gitna at masaya kong tinignan ang mga lumilipad na paru-paro. Alam kong para na akong bata ngayon pero wala akong pake. Talagang namimiss ko ang ganitong lugar. Naalala ko kasi si Leena dahil noong bata pa kami ay mahilig kaming nagpupunta sa garden namin sa palasyo at nagkukulitan.

Hinabol ko naman ang mga paru-paro, iniisip ko nalang na kasama ko si Leena na humahabol sa mga paru-paro. Nang napagod ay napahiga naman ako sa damuhan. Hindi ko namalayan na umiiyak pala ako. Bumangon ako at pinahid ang mga luhang umagos. Miss na miss ko na talaga sila.

"Hey! Are you ok?" nag-aalalang ani ni Venice. Akala ko umalis na siya.

"Oo. Ok lang ako. Huwag mo na akong pansinin" napangiti naman ko ng pilit.

Umupo naman ito sa tabi ko, "Sorry nga pala sa ginawa ko kanina ha? Nagagalit kasi ako kapag gutom na ako."

"Ok lang iyon. Ano ka ba...hindi naman iyon ang problema ko eh. Namimiss ko lang talaga ang pamilya ko lalong lalo na ang kambal ko..." bakas sa boses ko ang lungkot.

"Alam mo pareho pala tayo, namimiss ko na din pamilya ko..." mapait nitong sabi.

Hindi naman pala ito masama. Mabait naman pala siya. Tama nga ako ng hinala kanina na badmood lang ito dahil nga gutom tapos natapon ko pa.

~~~~~

Gabi na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Ewan ko pero hindi ako makatulog eh. Kaya naman bumangon ako sa kama at dahan dahan na lumabas ng dorm. Hindi ako gumawa ng anumang ingay dahil baka magising si Ereia.

Dinala ako ng mga paa ko sa garden at hindi ko naman ineexpect na makakita ako ng tao dito. Nakaupo ito sa bench at nakatanaw sa langit dahil medyo madilim ay hindi ko kita ang mukha niya.

"Sino ka?" tanong nito habang nakatingin sa akin. Lumapit naman ako dito.

"Pasensya ka na kung nakaistorbo ako. I didn't mean to. Nagpapahangin lang ako dahil hindi ako makatulog eh. Don't worry I wont bother you." nakangiti kong ani dito.

"I mean who are you?"

"I'm Luna." humiga naman ako sa bermuda grass at tumingin sa langit. Napangiti ako ng makita ang mga bituin at lalong lalo na ang buwan. Ito na naman yung feeling na parang tinatawag ako ng buwan.

"I'm Alesia pala." pagpakilala nito at napansin kong tumayo ito at naglakad papunta sa akin. Hindi ko inaasahan na hihiga din ito sa tabi ko. Kaya napalingon ako sa kanya. Napatitig naman ako sa mukha nito at ganoon din ito sa akin.

Ang ganda ganda niya...

Yung mga mata niya ay para akong nahihipnotismo. We just stared each other for I don't know how long. I can feel the sudden connection between us. It's weird. Really really weird.

Before I knew, our lips touch. Then I felt the tingling sensation inside my body. I froze.

Did she really kissed me?

She. Kissed. Me.

Oh. My. God!

Ng matauhan ako ay bahagya ko siyang naitulak at napabangon ako bigla. Pati ito ay nagulat din. Nagkatinginan kami at nanlaki ang mga mata. My God! I kiss a stranger! Oh c'mon! Dahil sa kahihiyan ay napatakbo ako pabalik sa dorm. Hinihingal naman ako pagkadating sa kwarto ko.

Just what the F had happened earlier?

Aahhhhh! Mas lalong hindi ako makakatulog nito! Napasabunot naman ako ng buhok ko dahil naaalala ko pa rin ang kiss na iyon. At sa hindi malamang dahilan ay tumibok ang puso ko ng abnormal.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon