EP16: Ang pagpunta ni Leena at Medusa sa Enchantreia World

6.1K 166 0
                                    

~~~~
Luna POV

Gamit ang telepathy ay kinausap ko silang lahat.

Magkita tayo ngayon sa garden, may mahalaga akong sasabihin sa inyo...

Hindi nagtagal ay dumating naman silang lahat.

"Luna!" bati nila sa akin. Ngumiti naman ako ng pilit at seryosong tumingin sa kanila.

"Bakit mo kami pinatawag?" tanong ni Ereia at tumabi sa akin. Si Venice naman ay tumabi din sa akin.

"Oo nga, Luna. Ano yung mahalagang sasabihin mo?"

Isa-isa ko naman silang tiningnan.

"I'm leaving."

Dalawang salita pero alam kong nagulantang ang mga ito.

"Ha?"

"No way!"

"Ano?"

"Eh? Totoo?"

Napabuntong hininga naman ako.

"It's time for me to go. Matagal na akong nawala sa mundo ko at alam kong alalang alala na ang mga magulang at kapatid ko."

"Pero Luna.... waahhhhh" umiyak naman si Ereia sa aking sinabi.

"Waaahhhh iiwan mo na kami.... huhu" iyak din ni Venice samantalang yung iba ay nakatingin lang sa akin ng malungkot. Alam ko kung ano ang mga iniisip nila. Napatingin naman ako kay Alesia at ngumiti ito ng pilit. Malungkot ang mga mata nito. Hay....

"Huwag kayong mag-alala, magkikita pa naman tayo. Huwag niyo akong kalimutan ah?" tumango naman ang mga ito at niyakap ako isa isa.

"Kailan ka aalis?" tanong ni Zenon. Kaya naman ay napatingin ako dito.

"Ngayon na..."

"Ha?" mas lalo namang nalungkot ang mga ito. Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.

"Pero bago ako aalis ay may gusto akong sabihin sa inyo."

"Ano iyon?"

"Gusto kong ipapangako niyo sa akin na magiging ligtas kayo. Kayo ang tagapagligtas ng mundong ito at nakaukit na iyon sa mga palad niyo."

"Ngunit paano namin matatalo ang mga taga Drazona? Mas malakas na sila kaysa sa amin." napangiti naman ako sa sinabi ni Leemin.

"Mas malakas kayo sa kanila. Sana tandaan niyong hindi sa kapangyarihan nagmumula ang pinakamalakas na sandata kundi nasa puso. Ang puso lamang ang siyang pinakamalakas kapag pinagsamasama. Huwag niyo sanang kalimutan iyon sa oras ng labanan." tumango naman sila sa aking sinabi. Nakikita kong magiging matatag ang pagsasama nilang magkakaibigan. Kahit ako ay mamimiss ko sila. Naging parte na din sila ng buhay ko pero kailangan kong bumalik kung saan ako nararapat.

Binuksan ko ang palad ko at umilaw naman ito. Pagkawala ng ilaw ay may lumabas ditong walong kwentas na may puting pendant na crystal. Isa isa kong binigay ito sa kanila.

"Ano ito Luna?" sabi ni Alesia.

"Isa iyang proteksyon. Dapat suotin niyo iyan at huwag niyong tatanggalin kahit anong mangyare." tumango naman sila at nagpasalamat na sinuklian ko ng ngiti.

Nagcast na ako ng spell sa harap nila. Unti-unti namang lumabas ang portal. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan na naman ako dadalhin ng portal na iyan. Kahit ako ang may gawa ay hindi ko pa rin masisiguro na dadalhin ako nito sa Moondrous.

"Luna, mag-iingat ka..."

"Mamimiss ka namin, Luna..."

"Sa muli nating pagkikita, Luna..."

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon