EP15: Hasna, the giant snake

6.2K 168 1
                                    

~~~~~
Leena POV

Maaga akong nagising sa aming tatlo. Nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ng mga ito. Napagpasyahan kong lumabas sa kweba.

Paglabas ko ay bumungad sa akin ang sariwang hangin kaya naman napapikit ako. Ano na kayang oras? Tanghali na pala. Medyo nagugutom na ako. Nakarinig naman ako na parang aganas ng isang tubig. Naglakad ako at ginamit ang kapangyarihan ko upang tukuyin kung ano ang ingay na iyon. Napangiti naman ako ng may batis pala sa unahan nitong kweba
"Leena! Saan ka pupunta?" napalingon ako sa likod ko at nakita sila Medusa este Alyssa at Marga na nakatingin sa akin. Agad naman silang lumapit sa akin.

"Ah may narinig kasi akong aganas ng isang tubig at nakita kong may batis pala dito. Titignan ko sana..." sabi ko.
Nakita kong ngumiti si Alyssa.

"Oo, may batis diyan sa unahan. Gusto niyong pumunta?"

"Talaga? Sige sige!" excited na wika ni Marga.

Kaya naman naglakad na kami papunta doon. Ilang sandali pa ay narating na namin ang batis.

"Wow ang ganda!" manghang sabi ni Marga.

"Oy, saan ka pupunta Leena!" puna sa akin ni Marga ng makitang naglakad ako at pumatong sa may bato.

"Lalangoy ako diyan!" nanlaki naman ang mata nito.

"Ano?! Eh hindi ka ba natatakot? Mukhang ang lalim eh..." sabi nito habang tinignan ang batis.

"Nope!" si Alyssa ay nakangiti lang sa amin.

Hinubad ko ang damit ko leaving my underwear. Syempre hindi ko tinanggal ang shades ko baka maging bato pa ako ng wala sa oras. Naging isang googles naman ang shades ko.

"Oy oy, bakit ka naghuhubad?" nanlalaking matang ani ni Marga at Alyssa.

"Maliligo ako bakit ba? Buti nga nagtira pa ako eh" natatawang ani ko at napanganga naman silang dalawa sa akin. Hinayaan ko na sila at tumalon na ako sa tubig.

Woah ang lamig! Pero kahit malamig ang tubig ay nag-eenjoy naman ako sa paglangoy. Maraming mga isda akong nakikita. Mga ilang minuto din akong sumisid sa ilalim saka ko napagpasyahan na umahon na. Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ni Marga.

"Jusko! Akala ko kung ano na ang nangyare sayo! waahhhhhh" iyak nito. Samantalang napahagikhik naman si Alyssa. Kaya naman pati ako ay napahagikhik din. Winisikan ko naman sila ng tubig kaya naman ay nabasa sila.

"Waahhhh ang lamigggg!" natawa naman ako sa reaksyon nila.

"Leeennnnaaaa!"

Tawa naman ako ng tawa sa reaksyon nilang dalawa. Tuluyan na akong umahon at nagbihis gamit ang kapangyarihan ko. Nakapangbestida ako ngayon na sinusuot ko sa palasyo.

Naging alerto naman ako ng maramdaman ang mga yapak ng tao. Hindi lang ito isa kundi marami.

"Bakit Leena?" takang sabi ni Marga sa akin.

"Kailangan na nating umalis dito! May mga taong paparating!" nataranta naman si Alyssa at dali daling nagtago.

"Umakyat ka sa puno Alyssa!" sabi ko sa kanya at sinunod naman nito ang sinabi ko. Gamit ang mga ahas nito sa ulo nakaakyat ito ng mabilis sa mataas na punong kahoy. Nagteleport ako sa tabi ni Marga at hinila siya. Nagtago kami sa makakapal na mga halaman.

Paano sila nakarating rito? Sana naman ay hindi nila makita ang kweba.

"Maghanap kayo sa paligid!" sabi ng isang kawal na mukhang pinuno nila. Nasa mahigit trentang katao sila. Sumunod naman ang kawal at mas lalo kaming nagtatago. Naramdaman ko na naman ang nginig ni Marga. Nakita ko si Alyssa sa itaas ng puno habang nakatingin sa mga kawal. Ang seryoso nito at mukhang nilalamig na. Tsk nagsisisi tuloy ako na binasa ko sila kanina. Masyado kasi akong nag-eenjoy sa tubig kaya hindi ko namalayan na may paparating na pala.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon