EP25: Sa Walang Hanggan

6.1K 153 3
                                    

~~~~
Third Person POV

Masaya na may halong lungkot ang naramdaman ngayon ng Hari at Reyna ng Faraway Kingdom. Masaya dahil nakabalik na ang dalawang prinsesa ngunit malungkot naman sila dahil wala pa ring malay tao ang mga ito.

"Ina, bakit nagkaganito ang aming anak?" tanong ni Lumeena sa Ina. Kasalukuyan silang nasa kwarto ng kambal at pinagmamasdan ang mga ito.

Napabuntong hininga naman ang Goddess of Moon sa tanong ng anak. "Walang may alam kung ano ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin sila. Siguro dahil iyon sa pagsanib ng kanilang katawan. Ang hula ko ay nanibago ang katawan nila sa nangyare..."

Napabuntong hininga naman sila.

Lumipas ang mga araw ng wala pa ring improvement sa dalawang prinsesa. Nagpatawag na ang Hari ng iba't ibang mga wizards upang tignan ang dalawang prinsesa. Ngunit kahit isa ay walang nakapagpagising sa mga ito.

Nalaman ito ng mga taga Evilandia kaya isang plano ang nabuo sa isipan ng prinsepe, ang kasalukuyang namumuno sa Evilandia. Ang mga Evilandia ay half magic user and half demons. May mga sungay ang mga ito at nakakatakot ang mukha. Mga itim din na kapangyarihan ang kakayahan ng mga bawat nilalang ng Evilandia. Ang kanilang pinuno ay wala ring malay tao labing dalawang taon na ang nakakaraan. At ang tanging makakapagpagising dito ay ang kambal na prinsesa ng Faraway Kingdom at dapat nila itong kunin sa kahit anong paraan.

"Ngunit, mahal na prinsepe, paano magigising ang pinuno kung ang kambal ay kasalukuyan ding walang malay isang taon na ang nakakalipas?" tanong ni Agatha. Ang kanang kamay ng prinsepe Luvian. Napapaisip naman ito sa sinabi ng kanang kamay.

"Tawagin ang babaylan at papuntahin dito." utos nito at tumalima naman si Agatha.

Mayamaya pa ay bumalik ito kasama ang babaylan.

"Ano ang maipaglilingkod ko mahal na prinsepe?" tanong ng babaylan na si Urduja. Ito ay may pangit na mukha na mukhang mangkukulam at may dala dala itong tungkod. Si Urduja ay matanda na at matagal ng naninilbihan sa Kaharian ng Evilandia.

"Nais kong alamin mo ang paraan upang magising ang dalawang prinsesa." utos nito at nagulat naman ang babaylan.

Hindi lingid sa kaalaman nito ang kasalukuyang sitwasyon ng Faraway Kingdom.

"Masusunod mahal na prinsepe. Bigyan niyo ako ng tatlong araw para malaman ito." sagot ni Urduja.

"Dapat lang Urduja. Bigyan mo ako ng magandang balita sa pagdating ng tatlong araw kung hindi ay alam mo na ang mangyayare sa iyo." ani ng prinsepe at natakot naman ang babaylan sa babala nito.

"Opo, mahal na prinsepe."

Napahalakhak naman ang prinsepe ng mapag-isa ito.

"Malapit na ama at makukuha na natin ang kambal. Sa iyong paggising ay tayo na ang maghahari sa buong mundo! Bwahahahaha" ani nito at bigla naman kumidlat ang kalangitan.

~~~~

Isang babaylan ang nagpunta sa palasyo ng Faraway Kingdom upang tignan ang kalagayan ng dalawang prinsesa. Siya na lamang ang kahulihulihang babaylan na titingin sa dalawang kambal. Siya si Evangeline. Nakatira ito sa bundok ng Everest, na makikita sa pinakatuktok ng bayan ng Aguadilla. Kilala sa buong bayan si Evangeline dahil sa panggagamot nito at higit sa lahat ay nalalaman nito ang kahit ano.

Ng mabalitaan nito ang nangyare sa mga prinsesa ay hindi ito nag-atubili na sumama kay Joaquin at Bryle ng puntahan siya ng mga ito upang humingi ng tulong.

Pinatuloy sila sa kwarto ng kambal at ito ang unang beses na nakita ni Joaquin ang dalawang prinsesa. Si Bryle naman ay napatulala sa dalawang prinsesa. Hindi niya mahulaan kung sino si Luna. Naalala niya ang araw na nakilala niya ito kahit hindi niya ito nakikita.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon