EP2: Invisible to Visible

9.7K 251 4
                                    

-----
Luna POV

Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin kami nakahanap ng solusyon sa problema ko.

Naglakad lakad lang ako sa loob ng forest. Nakakita naman ako ng isang napakalaking puno. Namangha naman ako kaya dali dali akong pumunta dito.

"Wow! Ang laki naman ng puno na ito!" hinawakan ko naman ang puno pero lumusot lang ang kamay ko. Akmang kukunin ko na ang kamay ko ng parang may force na humila sa akin. Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang makawala ngunit hindi ito epektibo hanggang sa nilamon ako nito. Napapikit ako dahil sa liwanag.

~~~
Amanda Madag POV

"Luna!" nagulat ako ng biglang nilamon si Luna ng mahiwagang puno. Ang pagkakaalam ko ay dadalhin ka nito sa ibang dimensyon pero mahabang panahon na rin simula ng may papasukin ang punong ito.

Di kaya'y nakatadhanang si Luna ang susunod na makakapasok?

Sana ay patnubayan ka sa iyong paglalakbay Luna. Alam kong special kang bata. Malaki ang gagampanan mo sa buong mundo.

~~~~
Luna POV

Pagkamulat ng aking mga mata ay namangha ako sa nakita. Nandito ako sa isang bundok at kita dito ang buong lugar sa ibaba. Maraming mga iba't ibang kulay na mga bahay at sa kabilang parte naman ng bundok ay may isang kastilyo na kulay lila. Napakagandang tignan.

Nagulat naman ako ng biglang may liwanag ng araw ang tumama sa aking balat at natulala ako dahil nasisinagan ng araw ang aking balat na dati ay hindi at tumatagos lang.

"Anong nangyare? At nasaan ako?" kinakabahan ako. Paano akong napunta sa lugar na ito? Ang puno. Napakahiwaga ng punong iyon.

Inilibot ko ang paningin sa lugar na kinalulugaran ko. Malayo layo pa ang bayan na aking nakita sa ibaba. Kailangan kong pumunta doon at alamin kung anong lugar ito. Dahil alam kong wala na ako sa Moondrous World. Kakaiba kasi ang hangin sa lugar na ito.

Pumasok ako sa loob ng kagubatan at binaybay ito. Mga tunog ng kuliglig lang ang aking naririnig. Napangalahati ko na ang gubat ng may marinig akong kaluskos at itoy paparating sa aking kinaroroonan. Inihanda ko ang aking sarili sa posibleng gawin ng nilalang na ito.

Napahinto ang isang tigre sa pag-atake sa akin ng makita ako. Nagkatitigan kami. Bakit siya huminto?

'Isa kang prinsesa'

Nangunot naman ang aking noo ng may nagsalita. Ngunit ang ikinagugulat ko ay lumuhod ito sa akin.

'Ikinagagalak kitang makilala prinsesa.'

Ang tigre ba ang nagsasalita?

'Ako nga po mahal na prinsesa. Ano ang iyong pangalan mahal na prinsesa?'

"Kung ganoon ikaw nga yung nakikipag-usap sa akin!" nakangiti kong wika.

"Ako si Luna! Ano ang iyong pangalan?"

'Wala po akong pangalan. Kayo na po ang bahala.'

Napapaisip naman ako ng ipapangalan sa kanya.

"Alam ko na! Simula ngayon ang pangalan mo ay... Regit!" masayang wika ko.

'Salamat mahal na prinsesa'

Nagulat naman ako dahil biglang lumiwanag ang tigre at naging isa itong baby tiger. Ang cute!

Kinuha ko naman ito at kinarga. Nagpatuloy na kami sa paglalakbay patungo sa ibaba nitong gubat. Nakatulog naman si Regit.

Napangiti naman ako at tinignan ang aking kabuuan. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi na ako invisible. May katawan na ako! Ay may katawan na pala ako dati pa hindi nga lang nakikita. Ang stupid mo Luna!

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon