EP12: Ang pagpunta ni Leena sa ibang dimension

6.9K 189 6
                                    

~~~~
Third Person POV

Habang nagpapatuloy ang leveling, hindi pa rin maiwasang isipin ni Luna ang nangyareng pagbukas ng mga portal. Feeling niya ay konectado siya dito.

Samantala, ng napasok si Leena sa puno ng portal ay dinala ito sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Nasa isang gubat siya at tanging mga kuliglig lang ang kanyang naririnig. Pinakiramdaman niya ang paligid at may lumapit naman sa kanyang isang puting ibon. Kinausap naman niya ito.

"Puting Ibon! Maaari mo bang sabihin sa akin kung nasaan ako?"

'Nandito ka po sa bayan ng Agua.'

"Agua? Kung ganoon pwede mo bang ituro ang daan palabas ng gubat na ito?"

Tumango naman ang ibon at lumipad na sinundan naman niya. Inabot sila ng dalawampung minuto bago nakalabas sa gubat at bumungad sa kanya ang isang daan habang may nadaan na mga sasakyan. Namangha naman sa nakita si Leena. Lumipad ulit ang ibon at sinundan na naman niya ito. Muntik pa siyang nasagasaan at humingi nalang siya ng paumanhin sa mga tao. Nakarating siya sa isang bayan na maraming tao. Ang ingay ingay ng paligid, maraming nagtatawanan at mga  nag-uusap. Mayroon ding nagbebenta habang sumisigaw pa.

"Balot! balot kayo diyan!"

"Taho! Taho!"

"Bili na po kayo ng kakanin ko! Masarap po ito at mura lang po!"

Tinitignan lang ni Leena ang paligid. Busy ang mga tao sa paligid niya at hindi siya napansin ng mga ito.

"Aray!" napatumba si Leena ng may nakabunggo sa kanya. Tumatakbo ito habang may tangay na kung ano at may humahabol ditong isang babae.

"Waahhh yung bag ko! huhuhu tulungan niyo ako! Ninakaw yung lalaking yun ang bag ko! huhuhu" ngawa ng babaeng sumunod sa lalaki. Ngunit dedma lang ang mga tao.

Nakita ni Leena ang lalaki kaya hinabol niya ito. Dahil sa superspeed niya ay naabutan niya ang magnanakaw. Agad niyang hinablot ang bag na hawak ng magnanakaw kaya napahinto ito sa pagtakbo. Akmang aagawin sa kanya ang bag ng ibinalibag niya ang lalaki kaya naman ay namilipit ito sa sakit. Nang makahuma ay tumakbo ito kaya napahinga siya ng maluwag.

"Waaahhh yung bag ko! huhuhu" ngawa pa rin nung babae habang paika ikang tumakbo. Naghahabol din ito ng hininga.

Agad naman niyang ibinigay ang bag sa ngumangawang babae kaya napahinto ito sa pag-iyak.

"Waahhhh ito yung bag ko! huhuhu salamat! salamat talaga!" sabi nito habang niyakap ang kanyang bag. Napailing iling nalang siya.

"Walang anuman iyon. Binunggo kasi ako ng gagong yun kaya hinabol ko."

"Huhuhu salamat talaga! Ano nga palang pangalan mo?"

"Ah ako si Leena Ayesha McCleen. Ikaw ano ang pangalan mo?"

"Ang ganda naman ng pangalan mo! Ako naman si Marga Asuncion!"

Nginitian naman ito ni Leena.

~~~~~
Leena POV

Napatingin ako sa kabuuan ng bahay. Dinala ako ni Marga sa bahay niya dahil na rin sa pakiusap ko kasi nga ay wala akong matirhan. Dahil ibinalik ko daw ang bag niya ay pumayag ito na patuluyin siya pansamantala habang hinahanap niya si Luna.

Isang gawa sa kahoy ang bahay, simple lang at maaliwalas naman mga simple lang din ang mga kagamitan na gawa din sa kahoy. Maliit lang ang bahay at isa lang ang kwarto pero medyo malaki laki naman parang kasya ang tatlong tao sa katre nito. May maliit din itong kusina at sala. Pero ok na din dahil malinis naman.

LUNA: The Invisible Princess (Book 1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon