SILYS - Ep. 21 ♥️

9.8K 108 12
                                    




•─────────★•♛•★────────•

Ep. 21

× Friend and/or Lover ×

•─────────★•♛•★────────•



××× THEA ♥️



Greg Saulo? Sino siya?

"Pwede ka bang makausap? Matagal ko kayong hinanap," sabi niya sa'kin. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Bryan ang kamay ko.

"Hindi siya pwedeng sumama kung kani-kanino," sabi nya bigla. (O___O) Ito talaga. Maging polite ka naman?! At ang kamay ko. . . (>/////////////<)

"Importante ang pag-uusapan namin," sagot ni Mr. Saulo sa kanya.

"Kumpara sa pag-uusap nyo, si Thea ang mas importante. Kaya hindi siya pwedeng sumama ng mag-isa." Napatingin ako kay Bryan at tumingin ito sa'kin. Anong ginagawa niya? (>____<)

"Sige, sumama ka na rin. Para mapakita kong wala akong gagawing masama sa kanya."


Sa cafe. . .

"Ano po bang pag-uusapan natin at mukhang seryoso po ito?" tanong ko sa mysterious ahjussi na umiinom ng kape. Nasa hiwalay na mesa si Bryan at nakatingin lang sa'min. (>//////////////<)

"Natanggap mo ba ang mga pinadala kong sulat?" tanong nito.

"Sulat?" Wala naman akong natatanggap. . .

"Tama ang hinala ko. Kinukuha nga siguro ng Tita mo ang lahat ng iyon. Makinig ka, Miss Thea. Kaibigan ako ng ama mo, at ibinilin ka nya sa'kin. Sinabi niya, sa takdang panahon. . . kapag nasa legal age ka na, mamanahin mo lahat ng ari-arian niya at ng mama mo, pati na ang sa lolo mo."

HUHHHH?! (O_____O) LAHAT NG YUN?!

"P-pero paano si Tita?"

Nagnod siya sakin. "Mga maliliit lang na properties, nothing compared to yours. Magmamana ka ng isang negosyo, Thea. . ." Grabe, hindi nagki-keep track ang utak ko. Ganun kalaki. . . ?

"Ang suspetsa ko lang ay gumagawa na ang Tita mo ng hakbang sa pagkuha ng mga yaman mo. Kung hindi mo naitatanong, alam ko kung bakit napakalaki ng galit ni Sheryl sa mama mo."

Ano? (O___O) Alam nya? Sino ba ang taong 'to? "Ah, matanong ko lang po. Bakit parang kilalang-kilala nya ang pamilya ko?"

"Ako ang bestfriend ng papa mo. At magkakaklase kami ng mama mo sa college." nagpakita siya sa'kin ng picture nilang tatlo ng mama ko. Totoo nga. . . Hindi siya nagsisinungaling.

"Matagal nang may gusto si Sheryl sa papa mo. Yun nga lang, sila ng mama mo ang nagkatuluyan. Bukod pa dun, mas pinaburan ng lolo mo ang mama mo kaya siya nagrebelde. And. . . well, alam mo naman na ang sumunod na nangyari."

Sir I Love You SirNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ