Epilogue ♥️

13.4K 243 68
                                    




•─────────★•♛•★────────•

epilogue.

•─────────★•♛•★────────•


××× THEA ♥️

One and a half year later. . .



"Lumansag!"

"Mam, thank you, Mam!" sabi ng mga kadete.

Hayy, thank God natapos din ang meeting. Makakakain na rin ako. Nagba-bye ako sa mga kadete na nagbaba-bye. Hehe.

"Ang ganda talaga ni Mam Thea 'no? May boyfriend na ba siya?"

"Baliw. Wala pang sinagot yan na kahit sino ever since yung ex-boyfriend niya."

"Eh? Nagka-boyfriend na si Mam?"

"Oo. I heard dating CAT officer daw."

Nagkita kami ni Dianne at Hazel bandang gym. "Hi, Corps Commander Samaniego. Hehe, may bisita tayo sa taas." sabi ni Dianne.

Sa taas? Sa CAT office? 

"Sino naman, Deputy Corps Bautista?" Tumawa ako. Habit na kasi naming tawagan ang mga designation namin. Super unexpected kasi kaya tuwang-tuwa kami nung in-announce ni Sir Rav yung positions namin. Hehe.

Si Hazel naman ang Adjutant. "Si Mam Yenn at si Mam Cherry. Hehe. Namiss ko sila, tagal na nating hindi nagkita-kitang lahat!"

Napadaan kami sa canteen at sakto, andun si Sir Rav at iba pang SO. Bigla kaming tinawag tatlo. "Oh, dalhin niyo na 'tong mga pagkain sa taas. May salu-salo tayo ngayon doon." sabi ni Sir Rav. Ngumiti siya sa'kin. "Tamang-tama sa reunion, no, Thea?"

"Hehe. Opo!" Ngumiti ako at dinala na nga namin yung mga plates ng spaghetti at garlic bread sa taas. Tig-dalawa kami ng bitbit.

Excited na akong makita sina Mam Yenn at ate Cherry! Uwaaa~ super na-proud nga sila nung naging Corps Commander ako eh. Tsaka, nagawa kong ipanalo ang school namin nung CAT competition. 1st place, syempre!! Talagang naging competitive ako, hehe.

Nung makapasok na kami sa CAT Room, hindi ako nakapaghanda sa makikita ko.

"Waaah! Thea! Andito ka na!" May yumakap sa'kin nang mahigpit.

". . .K-Kuya Victor?!"

"Namiss kita!!" Kumalas siya at nasa state of shock pa rin ako. Ni hindi ko pa nabababa yung plato ng spaghetti. "Uwa! Corps Commander ka na talaga. Huhu! Tsaka tumangkad ka na. Nag-mature na itsura mo. Hindi ka na mukhang baby- Araaay!"

Piningot siya ni Mam Yenn. "Tigilan mo nga si Thea. Mawi-weirduhan yan sa'yo!"

"Eh pero namiss ko kasi kayong lahat huhu!"

Sir I Love You SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon