SILYS - Ep. 32 ♥️

8.2K 105 9
                                    





•─────────★•♛•★────────•

Ep. 32
× A New End ×


•─────────★•♛•★────────•


××× GREG ♥️


Kanina ko pa hinihintay makauwi si Thea. Sabi nya, may imi-meet daw siya sa cafe pero naku, gabi na! Kanina ko pa tine-text, walang reply.

I'm getting anxious.

Maya-maya, narinig ko na lang na bumukas ang pintuan. Napatayo ako at paglingon ko, nakita kong may kasama si Thea na lalaki. (O____O) Aba aba!

Pamilyar siya sa'kin.

"A-ah, good evening po." Bati nung lalaki sa'kin. Tumingin ako sa relos ko at nakita kong 12:30 na ng hatinggabi. Tsk!

"Ginabi kayo ah. Okay na ba yung inasikaso mo?" tanong ko.

"Sorry po, Uncle. Pero opo, okay na po."

"Sino ka na ulit?" tumingin ako sa lalaki. Mukhang nagkita na kami dati, hindi ko lang maalala.

"Bryan Salazar po. Asa'n po mga gamit ni Thea, sa amin na po siya uuwi from today on."

Nanlaki mga mata ni Thea. "Huy Bryan-"

"Sa'min ka na tutuloy. Tulad noon-"

Noon?! O__O Nangyari na yun before?

Umiling si Thea. "Hindi na, ayoko namang abalahin ang mga magulang mo tulad noon. Tsaka safe ako dito. Kaibigan si Uncle ng mga magulang ko."

"Kahit na," skeptical pa din si Bryan. Tumalim tingin sa'kin nung lalaki. "Bibilhan kita ng pepper spray."

Aba't-- Anong kala mo sa'kin?! OLD GEEZER?

Sumabat ako. "Excuse me, pero ang mga type ko ay mas matanda sa'kin, mataray at sadista. Yung tipong bossy at 'I get what I want' na babae."

Weird naman akong tiningnan nung Bryan. WAG KANG JUDGER!

"Ahahaha," nerbyos na tumawa si Thea habang hinaharangan yung kaibigan niya. "Nagjo-joke lang siya Uncle. Wag mo seryosohin huh?"

"Seryoso kaya ako! Hindi pa natin kilalang mabuti yan, kaya sa'kin ka na lang muna umuwi-"

*PAAAK!

"Aray ko, Thea. . ." Hinimas ni Bryan yung ulo niya.

"Pwedeng makinig ka muna sa explanation kung bakit ako nandito?" nanggagalaiting ngiti ni Thea sa kanya. HAHAHA! ^__^


After a few minutes nung inexplain na ni Thea yung sitwasyon niya sa Tita niya, mukha namang natuhan na yung kaibigan niya.

 "Thank you po sa pagpapatuloy kay Thea dito." Nagbow ito sa'kin. "Sorry po sa inasal ko kanina."

Pero wala dun yung atensyon ko. Napansin ko lang na. . . magka-holding hands sila.

Sir I Love You SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon