SILYS - Ep. 1 ♥️

30.2K 330 28
                                    




•─────────★•♛•★────────•

Ep. 1

× The First Meeting is A Disaster! ×

•─────────★•♛•★────────•


××× BRYAN ♥️



"Tumiwalag!"

"Sir, thank you, Sir!"  At ayun, nagsilayas na ang mga kadete sa training field. Break muna raw. HAYYY SALAMAAAT!! Makaka-kain na rin ako. Medyo gutom na ako eh.

Nagsimula na akong maglakad paalis ng field pero bigla akong kinalabit ng mate ko. "Oh, Yenn."

Maputing balat, itim na itim na buhok, maliit na ilong at kasing-tangkad ko. Siya si Yenn dela Vega, kapwa ko junior CAT officer.

"Sa canteen ka pupunta? Sama ako!" ngiti nya.

"Sure. Walang nagbabawal sayo." sagot ko naman, medyo nagiging self conscious. Ba't kasi ang ganda ng babaeng 'to.

Sa di kalayuan, sumisigaw din pala yung isa kong mate.

"Sama akoooo!!!" sigaw ni Victor. Masasabi mong siya ang bestfriend ko sa CAT org. Mas matangkad siya sa'kin nang konti at siya ang may pinaka-maningning na ngiti sa buong school. Mayaman, pero kumakain ng kwek kwek. Siya si Victor Cruz.

"Muntik nyo nanaman akong iwanan." Victor

"Bagal mo kasi. Hahaha!"

At ayun, larga kaming magbabarkada papuntang canteen. Close na close kaming tatlo. Kami ang binansagang Triple Threat ng CAT.

Kaming tatlo noon yung worst na COCCs (trainees). Laging nale-late.


"Yenn dela Vega."

"Sir!"

"Pa'no ba 'yan? Late ka nanaman! Alam mo na ang gagawin mo."

"Aish. . ."

"Five rounds duckwalk around the court! Move!"


Laging nagkakamali.


"Tanghal! Ha- Victor Cruz! Ilang beses mo ba malalaglag 'yang sword mo?!"

"S-Sorry po. . ."


Laging napupuna.


"Bryan Salazar, hindi ka na uma-attend ng training. Gusto mo ba talagang maging officer?"

"Sir, yes, sir!"

Sir I Love You SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon