SILYS - Ep. 16 ♥️

11.7K 144 10
                                    




•─────────★•♛•★────────•

Ep. 16

× Birthday Fight ×

•─────────★•♛•★────────•





××× THEA ♥️



"Kung naiirita ka na sa'kin, sorry. Sa susunod, hindi na kita gagambalahin pa."

Aalis na sana ako nang hilain ni Bryan pabalik.

"Hindi ganun yun, Thea!" sabi ni Bryan na nakatingin sa'kin nang seryoso. Eh? Ano. . .? Anong hindi ganun yun?

Tila nagsa-struggle siyang humanap ng mga tamang salita. "S-Sa totoo lang. . ."

"Ano?" tanong ko.

"Ang nararamdaman ko sayo. . ." mahina nyang sabi. ". . .hindi mo talaga gets."

Huh?!

"Paano ko mage-gets eh ayaw mo ngang sabihin?! Ang gulo mo!" sagot ko. Hay, nakaka-high blood.

"Sabi mo kasi bawal eh. Tss. . . bawal. . ." paulit ulit nyang bulong. Eh~ hindi ko maintindihan! GRABE! Sige, mag-mumble ka pa. (-____-)




•─────────★•♛•★────────•

××× BRYAN ♥️

•─────────★•♛•★────────•

"Hindi ka pwedeng magka-gusto sa'kin."

Hindi ba yun ang sinabi niya sa'kin dati? So how am I supposed to say my feelings to her?!

Binitawan ko na kamay nya. "Pumasok ka na sa loob. Mag-iisip muna ako ngayon."

"Ano ba kasing iisipin mo?" tanong pa nya. Hay, ang kulet.

"Akala ko ba hindi mo na ako gagambalahin?" I stared at her. Tapos nag-pout ulit siya.

"Sabi ko nga." Paalis na ulit siya kaso gumalaw ulit ang kamay ko.

"Teka-" pigil ko.

"Ano ba?!"

"Upo ka," sabi ko with matching tapik pa sa bench. Ayun, umupo naman siya obediently. Tapos tumingin sa'kin.

"Okay, eto na." -Ako

"Ano yun?"

Huminga ako nang malalim. Tapos nakita ko yung buwan. Pati na yung mga bituin na nakapaligid dito. Inisip ko tuloy. . .

Sir I Love You SirWhere stories live. Discover now