SILYS - Ep. 37 ♥️

7.4K 106 5
                                    




•─────────★•♛•★────────•

Ep. 37
× Cool Off ×

•─────────★•♛•★────────•



××× SHERYL ♥️


"G-Greg. . ."

 I can't begin to describe my suprise lalo na nang papasukin ni Thea ang ex ko sa bahay namin. Nakatayo lang si Greg sa may pintuan at nag-iiwas ng tingin.

"Sheryl." ang tanging bati niya.

Ngumiti si Thea. "Wow. Hindi ko talaga inexpect." Hinila niya si Greg towards me. "Uncle naman eh! Andito ka na, might as well.mag-catch up naman kayo. You know, getting to know each other again-"

Pinandilatan ko yung pamangkin ko.

"Ay. Hehe. Um, akyat muna ako sa taas." Nagsimula siya sa hagdan. "Mag-usap kayo ha!"

Hay nako. Napailing na lang ako sa batang iyon. Nung maiwan kami sa sala, I smiled. Medyo naiilang ako. "Upo ka."

Pagkaupo niya. . . "Tagal kong hindi nakapunta dito. So, I guess dito kayo titira ng magiging asawa mo?"

How did he know I was getting married? So updated pa pala siya sa'kin. "Wala akong magiging asawa. I. . . canceled the wedding."

"Huh?!"

Pinaglaruan ko ang hem ng damit ko. "Yup. I realized I don't even love him. And that hindi siya ang makakapagpasaya sa'kin."

Then pagkakita ko sa mukha niya, nakangiti siya at malapad ang mga mata.

"Oh, ba't gulat na gulat ka?"  

May nakakalokong ngiti sa mukha nya.

"Nang-aasar ka kasi fail nanaman ang relationship ko?"  Tinarayan ko nga. Baka kasi masobrahan siya sa pangangasar tulad nung college.  -______-

"Kelan ba kita inasar?"  sabi nya.

Napaisip ako. Si Greg ang tumulong kay Thea nung lumayas siya. Hindi pa rin siya nagbabago, napakabait niya pa rin.

Noong namatay si Rie, at nakipaghiwalay ako sa kanya, he said nothing. Just these words. . .

"Kung sa'n ka masaya, masaya ako."

He shook his head. "Kung sa'n ka masaya, masaya ako."

Napangiti ako sa mga naaalala. "You're saying the same things again."

"Anong sabi mo?"

"Wala. So kamusta ka na? Nagpakasal ka ba?"

Sir I Love You SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon