SILYS - Ep. 11 ♥️

10.8K 130 5
                                    




•─────────★•♛•★────────•

Ep. 11

× Confession of the Adjutant ×

•─────────★•♛•★────────•




××× VICTOR ♥️


"Oo. Gusto ko siya. Gusto ko si Thea."

Ano. . . Si Bryan? Gusto si Thea? Pero- Hindi ba't bawal yun? Tss. Nagsalita ako!

"Ayy, ewan ko sayo, Kuya! Bahala ka. Bahala ka na talaga! Basta sinasabi ko sayo, ayusin mo lahat ng bagay na papasukin mo!" Tapos narinig ko na lumayo na si Cherry. Tameme pa rin ako dun sa kinatatayuan ko.

"Anong ginagawa nyo diyan, Sir?" May kumalabit sakin.

"Anak ng palaka- Ikaw pala, Thea." Hayy naku, kala ko na kung sino. Medyo bad mood pa rin 'to tulad nung kahapon. Siguro di pa sila nag-uusap ni Bryan.

TEKA- Kelangan ko sila pigilan mag-usap.

TEKA- Ansama mo naman Victor! Hindi ka naman ganyan! Bad yan.

TEKA- Ganito ba pag in-love? (O//////O)

"Sir Victor?" Nanumbalik ako sa reality ko nang iwagayway ni Thea yung kamay nya sa mukha ko.

"Ahh, sorry. Hahaha! Oh, kamusta ka na?" tanong ko, syempre with my super super super killer smile. (^____________^)

Nag-sigh lang si Thea.

"Ohhh. May problema ka nanaman? Anong magagawa ng Kuya Victor mo para sa'yo?" tanong ko ulit.

"Wala. Yung coat ko. . . Kasi- HAYYYYY! Hindi ko alam kung paano na yun." Ahhh. Yung coat nya. YUNG NAIWANAN NYA SA BAHAY NI BRYAN! Tsk.

"Baka. . . naiwan mo lang kung saan. Gusto mo samahan kita hanapin?" sabi ko sa kanya. Tapos nabigla siguro siya kaya napatingin sya sakin.

"Wag na, Sir! Bibili na lang ako ng bagong coat! Hayyy. Kaso- ayy nako ewan! Sige mauna na ako, Sir!" sabi nya sakin kaya umalis na siya at umakyat na papuntang 4th floor.

"Ayshh. Gusto ko sana tulungan yun kaso. . . ako naman ang mahihirapan nyan. Pero- May gusto si Bryan kay Thea. . . Pa'no yun?"

Hmm, siguro naman hindi na nya liligawan? Dahil pag ginawa nya yun, PATAY TALAGA SILA.



•─────────★•♛•★────────•

××× THEA ♥️

•─────────★•♛•★────────•

Papunta ako ng CR nang biglang may dumaang babae sa gilid ko. Agad ko syang tiningnan at nakita ko si Dianne. Pumasok na sya!

Sir I Love You SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon