CHAPTER 34 - SORRY*

347 5 0
                                    

 *****************************************

Kathrice's POV

Hindi na kita kilala..

Hindi na kita kilala..

Hindi na kita kilala..

Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko yung mga salitang yan habang paalis na ko ng ospital at pauwi na..

Bakit Jonas? Bakit siya ang pinili mo? Mas mahalaga nga ba siya para sa iyo? Sa bagay, hindi mo naman siya pipiliin kung hindi. Pero buong buhay mo, buong buhay mo ako ang kasama mo, ako ang laging kakampi mo. Lahat ng gusto't ayaw mo, alam ko.

Sa iyo ako humuhugot ng lakas sa tuwing susuko ako, katulad na lang noong nawala si tatay. Ipinadama mo sa akin na hindi ako kulang, na kumpleto pa din ang buhay ko. Ikaw ang naging sandalan ko sa tuwing nalulungkot ako, kaya naman hindi na ko nagtaka noong nahulog ang loob ko sa iyo.

Ikaw lang ang minahal ko.

Pero bakit ganoon? Bakit nagkaganito na tayo? Wala akong ibang pinangarap kundi ang mahalin mo din ako. Pero bakit sya? Ako yung laging nandito, Jonas. Kailan mo nga lang siya nakilala eh, bakit siya kagad ang pinili mo? Hindi ba pwedeng ako naman muna ngayon? Ako naman muna?

Sana pwede na lang bumalik sa pagkabata, kung saan mababaw pa lang ang lahat. Kung saan hindi pa natin alam kung paano magmahal. Sa nakaraan, kung saan magiging madali pa ang pagsupil sa damdamin.

Sana naagapan ko. Sana hindi ko hinayaan. Sana nakaiwas ako. Sana noon pa, isiniksik ko na sa kukote ko na hindi talaga, na bawal, na hindi pwede, na kahit kailan hindi mo magagawang mahalin ang tulad ko.

Sana hindi mo na lang ginawa.

Sana nga hindi ko na lang hinayaan ang sarili ko, Jonas.

Edi sana hindi magkakaganito ang pagkakaibigan nating dalawa.

Sana nga ganoon lang kadali ang lahat.

♪♫Everytime I try to fly

I fall without my wings

I feel so small

I guess I need you baby

And everytime I see you in my dreams

I see your face, it's haunting me

I guess I need you baby ♫♪

♪♫I make believe

That you are here

It's the only way

I see clear♫♪

Akala ko lagi kang nandito sa tabi ko. Sabi mo pa dati walang iwanan. Bestfriends forever. Pero ako ang unang nagbreak ng rules, at sinukuan mo ko agad ngayon.

Ano na ngayon, Kathrice? Ano na ang plano mo ngayon?

-----

Ano pa nga ba ang ginagawa ko pa dito? Ayaw na nga niya akong makita diba? Bakit nandio ka na naman sa ospital, Kathrice? Hindi ka pa ba talaga nadadala at gustong-gusto mo talagang nasasaktan?

Huminga ako ng malalim. Heto na, wala ng atrasan to.

Tinuwid ko ang suot ko at pinunasan ang pinagpapawisan kong mga kamay. It's now or never.

Dahan-dahan ang humakbang at naglakad papunta sa kwarto ni Clouie.

Kumatok ako ng marahan pero walang sumasagot kaya pinihit ko na ang doorknob. Sumilip muna ako sa loob para tignan kung may tao ba o wala talaga. Tumuloy na ko nang makita kong wala ngang tao. Dumiretso ako sa upuang nasa gilid ng kamang ni Clouie.

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon