CHAPTER 27 - CHRISTMAS NA AGAD!*

591 6 1
                                    

******************************

Kathrice's POV

Ang bilis lang lumipas ng mga buwan. Ilang buwan ko na rin pala iniiwasan si Jonas. It's all coming back to me. 'Yung feeling na nangyari na tong ganito sa amin noong sila pa ni Alex.

Nilayuan ako ni Jonas tapos naging miserable ang buhay ko nung wala siya.

Tapos ngayon, pagkatapos makipag-ayos sa akin ni Jonas at gawin lahat para maibalik kami sa dati- heto ako at nilalayuan naman siya.

What the hell is wrong with the world? Takte! Talagang dinamay ko ang mundo sa mga kapalpakan ng buhay ko no?

Ano bang mali? Saan ba ko nagkamali?

Baliw! Maling-mali ka noong hinayaan mo ang sarili mong mahalin ang bestfriend mo!

Oo nga no? Sa umpisa pa lang maling-mali na ko. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito eh.

Walang kasalanan ni Jonas kaya di niya deserve ang maging malungkot. Ang sama kong bestfriend dahil ginagawa kong miserable ang buhay ni Jonas.

Pero teka- mukha namang hindi miserable ang buhay ni Jonas ngayon eh. Masayang-masaya nga siya sa girlfriend niya eh diba?

Dati, hindi niya pinalilipas ang buong maghapon para makipag-ayos sa akin kapag nagkakatampuhan kami. Ngayon, ilang buwan na ang lumipas at hindi pa rin niya inaalam kung bakit ako umiiwas sa kaniya.

Sinabi ba niyang miserable ang buhay niya kapag wala ka o ikaw lang ang nagiisip na miserable siya kapag wala ka?

Aray naman! Bakit napupuno ng ampalaya ang mundo? -_________________-

And speaking of ilang buwan na ang nakakalipas, himalang tumagal si Jonas ngayon sa karelasyon niya. Baka ipakilala na niya iyon kila ma'am Rowena. Tapos maugustuhan iyon ng mommy at daddy niya. Tapos..

Kawawa ka naman Kathrice! Ikaw lang ang nagiisang miserable sa mundo!

                    "Te!" sino ba yun?

Tawag ng tawag. Kanina pa nakakabulahaw yun eh!

                    "EARTH TO KATHRICE!" at saka kumaway-kaway sa mukha ko.

Si Mabelle lang pala.

                    "Uy." sabi ko.

Akala ko kung ano ng nangyari sa mundo. finally, nilingon ko na din si Mabelle dahil baka sakalin na ko ng baklang to.

                    "Uy! Tagal nating di nagkita ah? Mga ilang oras ka ring nakatulala dito no? Anyari te? Inugat ako katatawag sayo." hayan na, tumatalak-talak na siyaaaa.

                    "May iniisip lang." sagot ko sa kaniya.

                    "Ganun kalalim te? Daig pa si Buddha te? Ganito gawin mo: upo ka din sa ilalim ng puno, magbawas ka ng paunti-unti ng pagkain at magpakamatay ka sa kakaisip." buti na lang at kilala ko na tong si mabelle kundi iisipin kong napaka-maldita nitong babaeng to.

Pinaningkitan ko siya ng mata.

                    "Okay, sorry. Alam ko namang wala ka sa mood na makipagbiruan sa ganung paraan at  tila pasan mo ang buong Milkyway Galaxy dahil sa pino-problema mo, pero ano bang balak mo at nagyaya ka dito?" tanong ulit ni Mabelle sa akin.

Huh? Asan ba kami?

                    "Asan ba tayo?" pagkuway tanong ko naman kay Mabelle.

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon