CHAPTER 41 - OH. MY. G!*

234 5 2
                                    

****

Mabelle’s POV

Haaaay. Ang saya ko lang kasi nakauwi na si Kathrice.

Together-forevs na naman kami ng lola mo.

Totoo nga palang ibinitbit niya si Mark dito . Totoo pala silang dalawa nang ibinalita nila sakin na nagkakilala sila sa ibang bansa.

Small world nga, ika nila.

Pero paano na si Jonas ngayong parang more than friends na itong si Kathrice at Mark?

Paano na ang Kath-Jo loveteam ko?

Hala. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gosh!

Nilapitan ko si Jonas na ngayon ay nakaupo at nasa tapat ng bartender naming si Ronald. Bat kaya humiwalay siya sa table kung nasa nandoon sila Kathrice?

                    “Hi.” Bati ko sa kaniya nang maupo sa kaliwa niya sa isa sa mga stool doon, nilingon niya lang ako at hindi nagsalita. “Bakit nandito ka? Andun sila oh?” sabi ko at saka inginuso ang direksyon nila Kathrice at Mark sa pinanggalingang table kanina.

Nagtatawanan silang dalawa.

                    “Hayaan mo sila dun. Masaya naman sila e.” sagot niya at saka lumagok ng beer.

Haaay, heto na naman tayo sa palagok-lagok mo ng beer, Jonas.

                    “Eh bat ang gloomy-gloomy ng aura mo? Birthday mo ngayon diba? Dapat masaya ka!” pagchi-cheer-up ko sa kanya.

Niyugyog ko pa ng bahagya ang mga balikat niya pero parang wala naming effect.

Naloloka na ko sayo, Jonas ah? Pinapainom na nga kita ng libre ditto sa bar ko tapos ayaw mo naming maging masaya. Enebe?

Nilingon ko ulit sila Kathrice at Mark.

Sabagay, if I were on your shoes, hindi rin ako magiging masaya. Ang sakit kaya sa puso ng nakikita ko ngayon.

Sabi ko sa sarili ko habang pailing-iling.

                    “Ano naming masasabi mo’t nakauwi na siya?” hindi ko na binanggit ang pangalan ni Kathrice. Sus! Alam na rin naman niya kung anong ibig kong sabihin.

                    “Ano bang dapat ko sabihin?” mahinang sabi ni Jonas.

Oh my G! Nagiging obvious na siya. Ano kayang nakain nya? He’s letting his guards down.

                    “What do you mean?” kunwari ay hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

                    “Wala. Nevermind.” at saka uminom ulit ng beer.

Sinabayan ko lang sa paginom si Jonas habang nagiisipn ng mga bagay na pwede kong gawin.

Kayo ba mga sisters? Ano bang pwede niyong i-suggest para matulungan natin tong si Jonas?

Kahit na pang-asar talaga siya sa buhay ko, ayoko naman n maging miserable siya buong buhay nya no? Ang sama ko naman pag nagging ganun?

Gusto ko rin naman na he’ll end up with someone.

Ans he’s gonna end up with Kathrice. No. Matter. What.

Ako nang bahala kay Mark.

BWAHAHAHAHAHA (evil laugh)

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon