CHAPTER 4 - HEY MABELLE!*

777 6 2
                                    

***********************

Jonas' POV

                    "Ayusin mo na 'yung mga gamit mo at saka pakisamahan na rin ng konting bilis, Katrina." sabi ko sa bestfriend ko na ilang taon na atang nakatayo sa harapan ng salamin.

                   "Maawa ka naman sa akin, Katrina, kanina pa ako naghihintay sa'yo. Ang tagal-tagal eh!" duktong ko pa.

Susme! Tutubuan na ata ako ng mga ugat sa kahihintay sa babaeng 'to. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit katagal-tagal mag-ayos ng mga babae sa harap ng salamin. Si mommy, si ate, pati si Kathrice. Bakit ba palagi na lang akong naghihintay sa mga babaeng 'to? kanina pa ko naghihintay.

                   "Alam mo Hinacio-"

Takte! Narinig mo ba 'yun? Ang sagwa talaga ng panibagong ipinangalan niya sa'kin. "HONACIO"? Parang tinagalog lang 'yung pangalan ko.

                   "Kasalanan mo rin naman kasi 'yan eh. Kung hindi ka ba naman anak ng isa't kalahati diyan at pinairal ang ka-chenelin mo, at ang aga-aga mong pumunta dito, edi hindi mahahalatang excited kang pumasok." sabi ni Kathrice.

Mas okay pa siguro kung hindi na lang siya sumagot. Ang sungit eh. PMS siguro.

Hmp! Eh ano bang malay ko diyan sa PMS PMS na 'yan? Lalaki ako diba? kaya hindi ko dapat alam 'yang mga bagay na 'yan.

Loko! Palibutan ka ba ng mga babae simula pagkabata, tignan natin kung hindi ka pa maging aware sa mga ganyan.

Susme! Ang sakit sa kukute nitong mga bagay na naiisip ko.

                   "Bilisan mo na lang kasi diya. Dami mo pang sinasabi. Mamaya ka na dumada hanggang nasa biyahe tayo." napapa-iling kong sabi kay Katrina. Kahit kailan talaga, hindi papatalo 'tong babaeng 'to.

                   "Eh bakit ka muna excited?" tila nang-iinis na sabi niya.

Eh bakit nga ba ko excited? Napaisip ako bigla doon. Teka nga- kanina pa ko nakatayo dito sa may doorframe nila kathrice. 'Di man lang ako inalok na maupo. Siyempre ako naman 'tong pinalaking maginoo, hindi ako pumapasok kapag hindi inaalok. Lumakad ako palapit sa upuang kawayan nila Kathrice at saka napaisip ulit.

Hmm. Bakit nga ba ako excited?

Dahil sa girls?

Dahil sa mas malaking allowance?

Dahil sa bagong kotseng ireregalo sa akin kapag nag-top na naman ako?

bakit nga ba? Bahala na.

                   "Malamang! University- college na tayo, mas marami ng girls sa papasukan natin. WACHUTINK?" tanong ko sa kanya habang naka-smile ng aking pang-commercial ng CLOSE-UP na ngiti. TAHAHAHAH!

Tama! Tama, 'yun nga ang dahilan kung bakit excited akong pumasok ngayon. Umiral ang ULYANIN HORMONE ko kaya hindi ko na naalala.

                   "Ulupong!" sabi niya habang sige parin ng sige sa pagsusuklay niya sa buhok niya na hanggang sa bewang.

Ano kayang feeling kapag sumusuklay ka ng ganon kahabang buhok?

Malambot ba 'yun?

Mabango kaya?

Tss! Ano bang iniisip ko? YUCK! Nababakla na ata ako @________@

Nahahawa na ata ako sa kabaklaan ng bestfriend ko. Halaaaaaaaaaaa!

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon