CHAPTER 32 - BAD GUYS NEXT DOOR*

405 4 0
                                    

****************************************************

Mabelle's POV

                   "Te, naririnig mo ba yun?" tanong sa akin ni Kathrice.

Ang alin na naman kaya ang naririnig niya?

Pero wala naman akong naririnig. Ano na naman kaya ang trip nitong babaeng to? Di kaya may MUMU na dito sa bahay? -_________-

Ay nako! Erase, erase, erase!

                    "Ang alin na naman?" naiirita kong tanong sa kaniya.

                    "Ayun oh." sagot niya.

Tumahimik ako sandali at sinubukang makinig, baka sakaling marinig ko din yung sinasabi ni Kathrice.

Pero kinilabutan ako nang wala naman akong narinig na kahit ano.

                    "Niloloko mo ba ko? Wala naman akong naririnig eh." sabi ko sa kaniya.

Pinindot niya yung PAUSE button sa remote control para huminto yung pinapanood ko.

Kabastusan talaga ng babaeng to. Tsk, tsk.

                    "Pakinggan mo kasi." sabi niya at patuloy pa din ang paggala ng mga mata niya sa kung saan-saan.

Seryoso-- kinikilabutan at natatakot na ko sa mga pinagsasasabi ng babaeng to ngayon.

                    "Yung totoo-- nakabukas ba ang third eye mo, Kathrice?" takte! Ako lang natakot sa sarili kong tanong eh.

Kinakabahan ako, paano kapag sumagot siya ng OO?

Takte, kakaripas ako ng takbo palabas ng bahay na to. Mamamatay ako sa takot.

Ngayon pa lang kinikilabutan na ko sa kinikilos nitong babaent to.

                    "Gaga! Hindi tungkol sa mga MUMU ang sinasabi ko." sagot naman kaagad niya.

Oh well, wala naman palang multo kaya pwede na ulit magrelax.

Kinuha ko ulit yung remote at pinindot yung PLAY button.

Magfo-focus na lang ako dito sa pinapanood ko kahit ilang beses ko na tong napanood -______-

Saktong katatapos ko lang lakasan yung volume ng hablutin na naman ni Kathrice yung remote at pinatay iyon.

What the F--! Yung DVD nasa loob paaaaaaaaaaaaaaa. Yari ako kay Daddy nito! -__________-

Seriously, what the hell is her problem?

                    "Ano bang ginagawa mo? Akin na nga yan." reklamo ko tsaka pilit na hinahablot ulit yung remote.

Takte, mayayari ako kay Daddy kapag hindi ko nailabas ulit yun, baka masira -______-

                    "Makinig ka kasi muna nang malaman mo yung sinasabi ko." sabi niya habang ayaw pa din ibigay sa akin yung remote at tinatago niya pa sa likod niya.

                    "Ano ba kasi yang naririnig mo? Umamin ka nga, are you on drugs?"

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon