CHAPTER 1 - BABY LOVE*

1.8K 16 8
                                    

*******************

Kathrice's POV

                    "ANASTASYOOOOOOOOOOO!" sigaw ko habang nakaupo sa sanga ng isang puno sa bakuran ng bahay namin.

                    "Jusko ka, Kath! 'Yung eardrums ko mababasag na sa kasisigaw mong babae ka!" pasigaw ding sabi ng bestfriend kong si Jonas. "What's with the name 'ANASTASYO' pala?" duktong pa niya.

                    "Eww! You're so conyo talaga!" sabay hampas ko sa kanya.

                    "Anastasyo ka kasi ng ANASTASYO diyan, samantalang 'JONAS' ang pangalan ko!"

naiirita na ata 'yung kumag. HAHAHA! Ang sarap pa namang asarin nitong KUMAG-er na 'to.

                    "Wala lang." matipid kong sagot sa kanya.

Ewan ko ba, trip na trip ko kasi talaga siyang tawaging mula sa kung anu-anong mga pangalan. Gustong-gusto ko lang nakikita yung namumula niyang mestisuhing PAGMUMUKHA kapag naiinis. Hindi ko alam kung paano, pero alam na alam ko kung anong pakiramdam ito. I think I'm falling for my bestfriend. Hindi na rin naman bago sa mga magkakaibigan 'yung ganito. madami rin naman relasyon ang naguumpisa sa pagiging MAGKAIBIGAN diba?

WUU! Asa ka pa, Katrina! Ilang taon ka na nga ba naghihintay? Simula ata pagkapanganak mo naghihintay ka na sa pagmamahal ni Jonas eh. Teka- mahal naman niya ko ah?

bilang kaibigan nga lang.

kahit naman hindi niya sabihin ng harap-harapan alam ko na 'yun. Dapat nga AKO ang may mas nakakaalam nun kaysa iba. Sakit isipin. Oh ang puso ko! Loka ka talaga Katrina ka, drama-dramahan na naman ang eksena mo?

                    "Oh! Pinapaabot ni nanay Tina, kumain ka daw at ng hindi ka nagmumukhang patpat!" iniabot sa sakin ni Jonas 'yung mga suman na niluluto kanina ni nanay.

ABA'T- teka! 'Di naman ako patpatin ah?! SLIM ang tawag dito. Palibhasa wala siyang ibang alam na katawan ng babae kundi iyong mga sexy na makukurba ang katawan. Kapag ganito ba ang katawan, patpatin na? 'Di ba pwedeng S-L-I-M muna? Palibhasa iginagaya niya ko sa katawan niyang pwedeng gamitin pam-palo-palo. Siya nga pala, nanay ko 'yung tinawag na 'nanay Tina' ni Jonas kanina. Nakiki-nanay kasi 'tong kumag na 'to eh. Tapos Rowena naman 'yung pangalan ng mommy niya.

                    "Kababaing tao kase laging umaakyat ng puno! Isang tanong, isang sagot, may lahi ka ba talagang uranggutan?" tanong ni Jonas sa akin. Aba't tignan mo ang kasamaan ng ugali nitong Anastasyo na 'to.

                    "Palibhasa, bakla ka Anastasyo!" pang-aasar ko kay kumag. Natatawa kasi talaga ako kapag namumula na 'yung mukha niyang made somewhere in mestizo country. Ewan ko ba kung anong lahi meron tong taong to. akala ko nga dati German + Shephered eh. HAHAHA. Ang corny na.

                    "Anastasyo ka ng Anastasyo! 'Jonas nga sabi!" hala ako. Galit na galit na ata tong si kumag. HAHAHA!

                    "Aray ko! Sakit mo sa eardrums! Masama ka bang tawaging ANASTASYO?!" sigw ko na rin sa kanya.

Sanay na 'yung mga kapit-bahay namin kapag nandirito sa bahay si Jonas. Dati lumalabas 'yung iba at akala daw nila ay may away na. At syempre, tinatawanan na lang namin ni Jonas iyong mga ganoon. Ang sweet naming mag-usap ng bestfriend ko no? Kami na ata ang pinaka-sweet sa lahat ng magbe-bestfriends.

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon