CHAPTER 25 - A MOMENT WITH MY BESTFRIEND*

528 4 0
                                    

Pasensiya na sa mga typo erors. At sa mga susunod pang typo errors hahaha.

 ***************************

 Jonas' POV

  

Kanina pa ko hindi mapakali. Paikot-ikot lang ako dito sa kama kanina pa. Hindi talaga rume-rehistro sa isip ko kung ano bang yung mga pinaggagawa ko.

 Paano kung nagising ko pala si Kathrice?

 Yari ka na naman!

Masasampal ka na talaga ng isa't-kalahati nun Jonas. Panigurado- plakda ka na naman.

Teka-! Lasing yun eh! Tulog na tulog pa nga diba?

Pero hindi eh. Lasengga yun kaya mahirap patumbahin sa inuman yun.

Eh paano na?

Bahala na. Kung kakausapin niya ako tungkol doon- sasabihin ko halik-kapatid lang yun.

Tama! Ganun nga! Para na kaming magkapatid diba? Tama, tama. Iyon na lang sasabihin ko. Para ko na siyang kapatid kaya hinalikan ko siya doon. Yun yung parang kiniss mo yung baby.

  

Eh sa lips yun! Iba ibig sabihin nun kapag sa lips diba?

Patay na.

Tumino ka nga, Jonas! May girlfriend ka na diba? The ever gorgeous Clouie Guevarra. Yung Miss Campus Sewwtheart ninyo? Remember? Maging faithful ka naman tsong!

Parang kapatid mo na si Kathrice tapos papatusin mo pa? Mangilabot ka nga!

Tss! Kapatid your ass!

Aaaargh! Nahihirapan na ko sa ayos ko. Hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Iba ang dumadalaw sa diwa ko. Paulit-ulit na nagtatanong kung bakit ko na lang hinalikan si Kathrice.

Eh bakit nga ba Jonas? Ano nga ba ang pumasok sa isip mo at ginawa mo yan?

Ewan ko. Siguro naku-curious lang ako kung anong magiging feeling.

  

Lame excuse Jonas! Di ka magaling umarte. Bakit kasi hindi ka pa umamin?

Anong aaminin ko?

Na may nararamdaman ka rin sa bestfriend mo.

Are you friggin' serious?! Ako may nararamdaman kay Kathrice? 

Obvious naman diba? Action speaks louder than words.

Nagbibiro ka lang diba? Bestfriend ko yun for crying out loud!

Wala namang masama kung mamahalin mo bestfriend mo diba?

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon