CHAPTER 9 - EMOTERANG FROGGY*

596 6 0
                                    

**************************

Kathrice's POV

                    "Ah, eh, ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko sa lalaking kanina pa kumakausap sa amin ni Mabelle.

Ewan ko nga ba kung bakit namin to kinakausaup. Diba ang sabi nila Do not talk to strangers ? Eh bakit kinakausap namin tong gwapong to?

Tse!

Bakit ba napapalibutan ako ng gwapo these days? Feeling ko tuloy, ako si ugly black duckly. hay sows!

                    "So kailangan talagang paulit-ulit te?" tanong ni Mabelle sa akin. Narinig ko pang tumawa ng mahina yung lalaki.

Bakit siya tumatawa?

Ano bang nakakatawa?

                    "My name's Steve." matipid na sagot ni papables.

                    "Ah, Steve.." ulit ko.

HAHAHAHA! Paulit-ulit nga ako!

                    "Loka ka talaga sister." biglang singit ni Mabelle.

Di ko maintindihan, bakit kung kailan gusto ko ng kiligin- tsaka naman sisingit tong baklang to. Ayaw niya kong magkaroon ng love life? HAHAHAHA! Tse!

                    "So, pauwi na kayo?" tanong ni Steve sa amin.

Uuwi na nga ba kami?

Teka teka! Eh ano nga ba kasing ginagawa naming tatlo dito sa gym? Sino bang may gustong manood ng laro ni Jonas?

Siguradong hindi ako yun.

Opo, opo, bitter na ako. Nagtatampo lang naman, hindi niya kasi ako mabigyan ng time eh bestfriend niya naman ako diba?

Ganoon ba talaga kapag nagkaka-girlfriend na yung bestfriend na lalaki? Wala ng time para kay bestfriend na babae?

So dapat, magka-pag-ibig na din ako. Hmp! Kala niya ha? Kapag ako lang nagkaroon- iyak-tawa abot niya.

                    "Yes--" sagot ko.

                    "No!" sagot naman ni Mabelle.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Mabelle. Parang nag-uusap gamit lang ang mga mata. HAHAHAHA! Imagine-in mo kung paano ka-epic fail yun.

Tapos sabay kaming napatingin kay Steve. Parang nagtataka yung mababakasan sa mukha niya.

                    "Ano ba talaga?" tanong ni papables. Napangiwi pa ako ng marinig ko siyang magsalita ng tagalog. May pagka-slang siya. Hindi maitatagong balik-bayan nga.

                    "Hindi pa kami uuwi." determinadong sagot ni Mabelle bago pa ako makapagsalita ulit.

Ano na naman? Mukhang dada-moves na naman po tong baklang ito kay papables Steve. Langya! Walalastik talaga tong besty ko. Kabaklaan niya ay umaapaw, ooooooh yeahhhhhhh (ay sori- kanta kasi yan kunwari haha.)

                    "Cool." sabi na naman ni Steve at saka inaya na kaming sumakay sa kotse niya na nasa labas. Pagtalikod ni Steve ay binalingan ko agad si Mabelle at saka tinignan ng WHAT-THE-HECK-ARE-YOU-DOING??

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon