CHAPTER 40 - BIRTHDAY*

218 5 2
                                    

***************************

Kathrice’s POV

 

Jonas..

Andito siya.

Nakita ko ulit siya.

Parang may kung anong kumirot sa puso ko.

Yung mga matang iyon na lagi kong napapanaginipan.

Yung mga titig na iyon na hindi mawala-wala sa isip ko.

Yung mukhang iyon na gustong-gusto kong mahawakan kahit sa huling pagkakataon.

Yung taong iyon na ipinagdarasal kong sana akin na lang..

                    “Kathy..” tawag sa akin ni Mark.

Tawag ng lalaking nakaakbay sa akin.

Siya nga pala si Mark.

Nagkakilala kami sa States. Naging mabuti kaming magkaibigan.

Pero paunti-unti ay nararamdaman ko ang pagbabago sa pakikitungo ni Mark.

Nagiging mas sweet na siya sa akin kaysa noong una.

Hindi naman niya idene-deny yung feelings niya sa akin.

At nagpapasalamat ako kasi palagi siyang nandiyan sa tabi ko.

                    “Hmm?” nakangiti kong tugon kay Mark.

                    “I’m starving. Let’s eat?” aya niya sakin.

                  “Sus! Starving, starving! Kumain ka magisa! Namiss ko tong bakla na to e!” pagtataboy ni Mabelle kay Mark.

Oo nga pala, magpinsan sila ni Mabelle.

Small world huh?

                    “I missed you too, bakling. Hawaryu?” tanong ko sa kaniya.

                    “Eto! Hirap na hirap sa kaaalaga kay Jonas!” sabi niya at saka nilingon si Jonas.

Ako naman ay napatingin din.

Nakatitig pa rin siya sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nginitian ko na lang ulit siya. Kinakabahan ako e.

               “Ano ba yang smile na yan? Para namang super awkward ng sitwasyon nyong dalawa?”

Tignan mo tong babaeng to. Para naming hindi niya alam kung anong meron kami ni Jonas bago ako umalis, years ago?

Sabagay. Matatanda na kami, matured na kumbaga. Dapat nga pinagtatawanan na lang naming kung ano yung mga nangyari sa amin dati diba? Magpakanormal na lang tayong lahat.

Yun naman talaga ang tamang gawin diba?

                    “Tara na doon. Samahan natin yung birthday boy.” aya ulit niya.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang maalala kong birthday nga pala ni Jonas ngayon.

Usually, kapag birthday niya, ipipilit niyang dapat may regalo ako sa kaniya.

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon