Hindi na ulit nagtanong pa si Pei noong hindi ko siya sinagot. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kanya ang nagyayari. Naiinis ako dahil wala ako sa tabi niya kanina. Kung hindi ko pa narinig sa mga janitress ang nangyaring gulo kanina, hindi ko pa malalaman na pinagtulungan silang dalawa ng kaibigan niya.


Shit! Sa mga ganong pagkakataon, dapat nandon ako at pinagtatanggol ko siya. Kung hindi lang sana...fvck! Before, I always thought to her that she never deserves a man like me. But now, it seems like, I never deserves to have her. Hindi ko man lang siya maprotektahan.


"Chris, papasok na 'ko."


Tumayo na siya at palabas na sana ng room nang pigilan ko siya sa braso niya.


"Babawi ako, Wifey. Pangako."


"Okay. If you say so."


Nag-insist ako na ihatid siya papuntang room nila. Nandoon na din pala si Desiree. Mabuti at wala pa ang second professor nila.


"Take care, Wifey."


"Thanks."


"Iloveyou."


Hindi na siya sumagot at dumiretso na papasok sa loob. Hindi ko siya masisisi kung nagtatampo siya sa 'kin ngayon. Bwisit talaga! Bakit ba kasi sa 'kin pa nangyayari 'to ngayon? Bakit pa kasi siya bumalik? Tangina.


Jasmin's POV


"White or gray?" I asked him.


"Red." - Deejay


"5 inches or 6?"


"Flat shoes."


"Pauuwiin kita, tignan mo lang!"


"Mas maganda kung magpaflat ka nalang. Pwede ka kasing magkamuscle sa binti. Mas bagay din sayo yung mga dark color dahil maputi ka. Magmumukha kang maputla kapag naglight color ka pa."


Kainis talaga ang taong 'to. =_= Tinatalo niya 'ko pagdating sa fashion e. Mas madami siyang alam! Ang nakakainis pa, palagi siyang kontra sa lahat ng choices ko. Kesyo hindi daw bagay sa 'kin yung mga type ko or whatsoever. Edi siya na ang magaling sa fashion. Siya na!


Nandito kami sa mall. Ang kulit kasi e. Sinabi nang kaya kong magmall mag-isa, sumama parin siya. No choice naman daw ako sa kakulitan niya. =_=


"Koreana ka, pero hindi ka naman gaanong naghahangul."


"Mas prefer ko ang magfilipino e. Pusong pinay kaya ako! At saka, edi nanosebleed ka kung maghahangul ako dito. Sabihin pa ng mga tao, nag-e-alien words ako."

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now