"Okay.." Sabihin mo na kina Lance yan Daniel.

~1pm. Lunch break.

"Lance! Lance!" Nasa 2nd floor siya at ako ay nasa baba. Kakausapin ko siya about dun sa pagsama ni Ace, baka kasi magulat sila na kasama si Ace bukas.

"Oh boss, wait" bumaba siya at lumapit sa akin.. hindi lang pala siya, silang dalawa ni Ice dahil magkasama sila.

"Bakit?" tanong ni Lance na may malapad na ngiti. Ang lalaking talagang to =__=

"err.. kasi ano.. may isasama ako bukas" tapos napatungo ako. Kinakabahan ako na ewan.

"Let me guess.. si Ace ba?" tanong ni Lance, napatingin naman ako kay Ice, at binigyan niya ako ng ikaw-bahala-kung-isasama-mo-kapatid-ko-kahit-alam-mong-hindi-ikaw-ang-may-birthday-look. 

"Oo.. kasi.. ano" paano ko ba ipapaliwanag na biniro ko si Ace na sumama dahil walang makulit don, pero hindi ko inaasahang sasama talaga siya! Ugh.

"Its okay..he can come with us" Eh? Napatingin ako kay Ice. Siya kasi nagsabi nun. Nag sparkle naman ang mga mata ko. YEHEY. Di sila magagalit sa akin. 

"Ah.. sige" yun ang sinabi ko tapos naglakad na ako palayo. Psh. Di man lang ako binati ng 'Hi' o di kay 'oh panget' or 'tss, na naman'. Pero wala eh, nag iba na siya.

"Hey" napatingin ako sa kumuwit sa akin at nakita ko lang si Ice. Walang sign ni Lance.=_=

"Oh?" naglakad siya palapit sa akin.PAKSHIT ka Ice, dapat layuan na kita! >__<

"Pwede ka bang makausap?" 0_____0 For the first time! Teka, for the first time din naman na humiga si Ice sa lap ko, kinausap niya ako sa garden, tinulungan niya ako dun sa sugat ko sa noo and he even want me to stay with him and talk to him for longer hours! Di ba? Di ba? Diba?

"Ano bang ginagawa natin, mukha ba tayong nagkakape?" Lol. Nu konek?

"Seryoso" Hala. Seryoso nga. Sensya naman minsan lang mabara si Ice.

"Oh ano?" Ayan Daniel, back to the old days, tarayan mo na lang siya uli. Sige pa.

"Bakit ka nag inom kagabi?" Patay tayo diyan.

"Ah.. ano.. kasi..ah." kasi nabobroken hearted ako sayo. Ayun di ko kinaya. Pinipilit ko kasing makalimutan ko. Alam mo yon? Mahal kasi kita.. Oh gahd. How I wish na masabi ko yun sa kanya =_="

"Tss" Hay. Sobrang namiss ko yung 'Tss' niya. Stop daydreaming Daniel, kailangan mo na siyang kalimutan di ba?

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now