Lie #36: Threatening

Start from the beginning
                                    

Kanina iniisip ko na alam niya na. That there is no point of lying. But then now seems like my heart released a big weigh off it. Na parang nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi niya alam.

Pero dapat ba na matuwa ako? Bumabalik sakin ang pag uusap namin ni Nico. With what I am doing now, yung hindi ko pagsasabi kay Elise ng totoo, am I saving her from the pain o dinedelay ko lang?

I dont know. I dont know what to think anymore. In times like this I wish and wish na sana hindi na lang ako nage exist. Na sana pala hindi ko na lang sila nakilala lahat. Si Nico, Elise, Robie. Sana hindi na lang ako in enrol nila mama sa Phylisse Academy.

These days I found it easier to lie. That sometimes Im afraid na hindi ko na kayang i identify kung ano ang kasinungalingan at katotohanan. Na makakasanayan ko na ang ganito until I am used to it.

Sana hindi magulo ang utak ko ngayon. Sana wala akong nasasaktan. At higit sa lahat sana hindi ko niloloko ang sarili ko.

Pero kapag naiisip ko si Derick, kinokontra nun ang naunang naisip ko. That I desperately want him. Kapag kasama ko siya somewhat it feels fairytale. How he loves me, how much he wanted me.. How the world meant nothing to him without me in it.

"Have you seen the dress?" tanong niya that meddled my thoughts.

"What dress?" I asked back dahil hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya.

"Wala ba siyang binigay na paperbag sayo?" and that's when I remember yung mga dala ko kanina. Tumayo ako sa kama at pumunta sa vanity table ko kung nasaan yung paperbag at yung regalo ni Nico.

Inipit ko sa tenga ko yung cellphone at binuksan yung paperbag. And there's a white dress. My jaw almost dropped. Mayroon din naman akong magagandang dress but there's something on this one that's captivating. Simple but screams of elegance

"Meron. Nakalimutan ko lang buksan. Pero eto nakita ko na. Wow.." I breathelessy said.

I hear her laugh "Suotin mo yan sa engagement party"

"Seryoso ka?" unsure na sabi ko. Ako? Magsusuot ng ganitong damit? There is no way!

"Oo naman. Kaya nga binigay ko sayo eh" sagot niya na natatawa pa din. And I am slightly wondering kung bakit biglang nagbago ang mood niya. In this part, may pagkakahawig sila ni Derick. One second, reckless then after a few okay na naman. O dahil na din siguro sa sinabi kong may boyfriend ako at hindi niya kayang pagduduhan yun.

Maybe that's why she doesn't stand a chance on him. Dahil magkapareho lang naman sila ng ugali. Derick needs someone who's able to tame him. At sa nakikita ko, Elise cant do it.

"I dont know.. Hindi ako sanay na nagsusuot ng ganito" I said wincing. And I silently cursed myself for being like this. Kung bakit ba kasi ang bait niya. Na sana katulad na lang siya ni Eunice that is easy to hate.

Kung ganon siguro ang sitwasyon madali lang ang mga bagay bagay. Baka nga iba pa ang nangyayari ngayon.

"For once, please dont doubt yourself. Maganda ka Erica. Kaya nga nagustuhan ka ni Derick di ba?"

Mabuti na lang hindi kami magkaharap ngayon para hindi niya nakikita ang reaksyon ko. The real awkwardness. At hindi ko din gusto ang tono ng pananalita niya. Dont know wether teasing me or mocking herself.

But on the other hand, siguro kaya niya din gustong ipasuot sakin ito eh para maging presentable naman ako kahit paano sa gabing yun. Of course, gusto niya na maganda ang kalabasan ng lahat. Im sure hindi niya sasayangin yung hindi niya pagpunta sa party kanina.

Pero parang hindi pa din ako komportable. Pakiramdam ko na kapag sinuot ko to ibang tao ako. And I hate it. I hate being someone who I am not.

"Thank you, Elise" I said instead regaining my manners. Wala naman na akong magagawa. Isa pa, naiintindihan ko din naman siya. Maybe she wants me to be presentable enough sa gabing yun para hindi ako mapahiya.

"When you really love someone, even if there are a million reasons to leave, you still look for that one reason to stay"

Napakunot ang noo ko. Nagba baka sakali na may iba pa siyang kausap pero wala naman akong narinig na boses sa kabilang linya.

"Good relationships don't just happen, you know. They take time, patience, and two people who truly want to be together" hindi ko alam kung saan ko nahugot ang sinabi kong yan considering na wala naman akong gaanong alam sa pakikipag relasyon. So I secretly praised myself for it.

Two people who truly want to be together.. Sounds simple pero mahirap.

"I just want you to know that I will not give him up" upon hearing those words, nakaaninag ako ng pagbabanta. And it's enough para tumayo ang mga balahibo ko sa batok.

There's something on her tone, threatening and ensuring. That her words are unbreakable.

"Okay" I answered bluntly then she hang up.

Ilang minuto na ang nakalipas simula nung matapos kaming mag usap yet paulit ulit sakin ang usapan namin.

Something's up. From here alam kong may itinatago si Elise. She's holding something back..

Author's Note:

Yep, I know masyadong maiksi. Try ko na lang bumawi sa mga susunod. Goal ko talaga na matapos siya this year so kalma lang :D

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now