Lie #36: Threatening

Magsimula sa umpisa
                                    

"I was just wondering kung ano nangyari kanina sa party. Nagtataka lang kasi ako kung bakit maganda ang mood niya ngayon" she said finally.

Hindi niya binanggit yung pangalan ni Derick but I know enough na siya ang tinutukoy niya. Of course, maliban kay Derick sino pa ba ang pwedeng dahilan nang pagtawag niya sakin sa ganitong oras? Bukod sa kanya may iba pa bang tao na nag uugnay samin?

"Uhm, maybe maganda yung natanggap niyang gift?" tanong ko in a shaky voice.

"Not sure. Wala naman akong napansin na dala niya kanina" she sighed heavily again.

I am wondering kung ano ang kahihinatnan nang pag uusap na to. I can sense her sadness. Kahit hindi ko siya nakikita ngayon alam kong may bumabagabag sa kanya. Unusual na hindi sunod sunod ang pagsasalita niya gaya ng karaniwan. Hindi ako sanay sa pagiging tahimik niya.

Yung pakiramdam na para kang pinapagalitan ng magulang mo. Ang bigat ng atmosphere at nakakatakot gumawa ng mali. Ganun ang nararamdaman ko ngayon habang kausap siya. One wrong word, then hell.

"Erica"

"Bakit?"

"Please answer me honestly"

I can hear the pounding of my heart in my chest. She figured it out. Hindi ko alam kung sa paanong paraan. Siguro may napagsabihan si Derick tapos narinig niya. O baka may nasabi ito mismo sa kanya. Pero isa lang ang sigurado ako. Alam niya na..

"Yung mga naririnig kong rumors sa school na babaeng malapit kay Derick, ikaw yun di ba?"

Sa pagkakaalala ko, naitanong niya na to dati. At kung tama ang pagkakaalala ko, hindi ang isinagot ko dahil yun naman ang totoo sa pagkakaintindi ko.

But after what happened last time, after that intimate moment, sigurado pa akong hindi ako ang taong yun? Or maybe hindi ko lang napansin nun.

Whatever it is, this time, alam kong ako ang babaeng yun. The way he kissed me, yung nakikita kong frustration sa mga mata niya, in one moment I am sure of everything.

I lost track of my time. Hindi ko alam kung gaano katagal na oras na ang nakalipas or maybe just minutes dahil nandyan pa din siya sa kabilang linya at nag aabang ng sagot ko.

Nagpakawala muna ako ng tinitimping paghinga then started speaking "Oo, ako yun" I said loud and clear.

Silence again.

"Bakit hindi mo sinabi? Why did you lied to me?" mahina pero may hinanakit ang boses niya. That I can almost see her right now. Her eyes demanding, her teeth gritting in anger

"Hindi ko alam. Really, hindi ko alam na ako ang babaeng yun" I honestly said. Anyway, what's the point of lying now?

"And what made you realized that it was you?!" she shouted. That shut me up. Kung sasabihin ko kaya yung nangyari kanina anong magiging reaksyon niya?

"Im sorry, Elise"

"Sorry? That's all you can say? I thought you're my friend! Pinagmukha niya akong tanga! All along it was you. Erica, tinanong na kita dati di ba? Hindi naman ako magagalit pero sana nagsabi ka ng totoo"

"Elise makinig ka muna.." pakiusap ko "Totoo naman na hindi ko alam na ako yun. We're friends yes but then there's no other than that. Well.. Uhm.. Let's just say na may nakapagsabi sakin na ako yun. So what now? May boyfriend ako" I frustratingly said. Mabuti na lang nakaisip ako ng isang kasinungalingan na naman. Hindi naman na siya siguro magtatanong kung sino ang nagsabi sakin.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon