1

604 147 81
                                    


Ngayon ay buwan ng Abril, kung saan ang laging inaabangan ng mga kabataan. Ang buwan kung saan hindi lectures ang iniintin kun'di ang paglalaro, paggagala. Hindi notebook ang kaharap kun'di, ang mga bagay na sa bakas'yon mas madalas nagagawa.


Ito rin ang inaabangan ko, ang araw na kung saan ang iniintindi ay puro swimming, pagkain at pamamahinga, galing sa stress na school.


Ako nga pala si Gracia Arcilla ang simpleng babae ng Rizal kung ididiscribe ko ang sarili ko sa inyo. Hindi ako maputi, hindi rin maitim kung sisipatin tama lang ang kulay ko. Ang mga mata ko naman ay medyo singkit, maraming ngang nagtatanong kung may lahi ba raw ako, pero ang lagi kong sagot malaking 'WALA po'. Kung sa aking tangkad ay pasado pa naman ako sa five feet, normal lang 'yun.


Nagaayos kami ng mga gamit at isinasakay sa van katulad ng mga salbabida, pagkain, mga plato at kung ano ano pa.


" Saan nga ang swimming na'tin ngayon sis? " masayang naitanong ko sa kapatid ko.


Nilapitan ko ito at tinulungan sa pagbabalot ng mga plato na gagamitin namin mamaya, isinisilid n'ya ito sa plastic.


"Sa Batangas nga ate, paulit ulit ka." Inis na sagot nito. Hindi man lang ako nililingon.


"Maganda ba roon? " Tanong ko, nilingon n'ya naman ako at ipinatong n'ya ang kanang kamay sa kanyang bewang.


"Ewan ko! Bat ba ako ng ako ang tinatanong mo? " inis na sagot nito sa'kin at ipinagpatuloy na ang ginagawang pagbabalot.


" Sus! Ang arte mo Grace! Nagtatanong lang eh,. " pasiring kong sagot.


"Wag nga ako ang pestehen mo ate!" Grace


"Ang arte ha! " anang ko pero ang mabait kong kapatid ay lumapit sa'kin at pinagtutulak ako, hindi naman malakas sakto lang para maiatras ko patalikod ang mga paa ko.


"Layas. chupe, chupe." pagpapaalis n'ya sa akin. Kaya umalis na lang ako.


Ang init naman ng ulo nun.


Lumapit na lang ako sa pinsan naming babae.


"Malayo ba ang Batangas from QC? " tanong ko sa pinsan naming si Jasmine at ikinawit ang kanang braso ko sa kanyang kaliwang braso.


"Kapag cummute po malayo, pero dahil may sasakyan tayo Ate, hindi naman malayo. " magalang nitong pagsasalita at nginitian pa ako. Napakagalang talaga ni Jasmine.


Sa aming magpipinsan ay si Jasmine ang Ideal girl dahil sa ganda, tangkad, hinhin at ang isa sa mga hinahangaan sakanya ay ang pagiging magalang.


"Ahhh," tumango ako "eh, tayo lang ba? " tanong ko na naman sabay turo sa mga kasama namin.


"Hindi po ate, papunta na dito sila kuya. " Jasmine


"Wait, kuya? Sino? " nagtataka kong tanong, napabitaw pa ako sa kan'yang braso. Ngunit bago pa masagot ang tanong ko ay nasagot na 'yun ng mga taong dumating.


Nakatingin ako sa mga taong dumating. Base sa dami nila 'yung mama lang nila ang wala at mga nakahanda na rin ang mga ito. May mga kanya kanyang dala mula sa mga bag na naglalakihan at mga pagkain.


Napatingin naman ako sa isang lalaki. Gwapo ito at matangkad, na kapag naglakad ay mapapatingin ang mga kababaihan kahit pa nakatalikod sila. Kapansin pansin kasi ang katangkaran nito. Lalo na ang kanyang awra.


Three Words Twelve LettersWhere stories live. Discover now