S'ya si Josh Salvador isa sa mga pinsan ng pinsan ko. Ewan ko kung ano tawag ko sakanya, kung third cousin ko ba o pinsan rin.

Sa mga mata ng matatanda magpipinsan kami dahil sa lagi naman kaming magkakasa ang masaklap nga lang sa lahat lahat kaming dalawa ang madalang magpansinan.

I mean sobrang dalang ni hindi nga lumalagpas sa limang salita ang sagot n'ya sa akin kapag nagtatanong ako. Syempre hindi ko rin naman s'ya madalang kung pansinin.


Katangi tangi ang samahan naming dalawa sa pamilyang ginagalawan namin, dahil sa tagal tagal ng panahon ay siya lang ang tanging hindi ko ka close at hindi ko malapitan hindi rin makausap. Sa pagkakaalala ko maguusap lang kami kapag importante lang ang paguusapan. Ngunit ang makipagkwentohan sa kanya never ko pang ginawa.


"Kasama pala sila? " ibinulong ko itong sambit ngunit narinig pala ni Grace, na hindi ko napansing katabi na lang namin.


"Yes, ate! Tanong ka na naman ng tanong!. Imbes na tumulong ka sa pagbubuhat ng mga gamit may nagawa ka pa!, hindi 'yung tanong ka ng tanong d'yan." pagsingit ng kapatid ko. Bumuntong hininga na lang ako at napanguso dahil sa kapatid ko.


Talaga 'tong batang 'to. Akala mo laging inaaway, kung makasigaw parang naghahamon ng away.


"nge, nge, nge." pangiinis ko pero tumulong na rin.


Isinakay na lahat ng bagahe at nang matapos ay pinaunang sumakay ang mga babae kasunod ng mga lalaki.


Sa byahe halos wala kaming imikan. Ang mga matatanda ay nasa harap kami namang mga bata ay nasa likod. Mabilis nga lang ang naging Byahe namin dahil hindi ko napansin sa pagsasoundtrip ko, nakarating na pala kami.


"Wow! Batangas here we come! " masayang sigaw ko ng makababa ako ng van. "Ang ganda naman dito! " giliw na giliw ko pang sabi.


"excuse me. "ani ng maliit na boses lalaki . Napalingon naman ako dito.


"Ay! Sorry hehehe, sige sige daan na. " sambit ko at gumilid dahil nakaharang pala ako sa pinto ng van kaya hindi makalabas 'yung mga susunod sa'kin.


"Haharang harang kasi akala mo Kinaganda." sabi ng kapatid kong ubod ng pangit. Lumabas naman ito ng van na nakataray at sinuot ang shade nitong itim.


Tinayaran ko na lang ang sinabi n'ya at sumunod na lang rin sa mga matatanda na kung saan nagbabayad na ng entrance fee na'min.


Nilingon ko naman ang paligid.


Mula sa aking kinatatayuan ay makikita ang lawak ng katubigan na sa sobrang ganda ay lumulutang na ito sa aking paningin. Makikita ang dagat na napakalawak, kung saan may mga cottage, may iilang puno, may mga bagka sa kalayuan ganon na rin ang dami ng tao. Sa sobrang excitement na naramdaman, hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit na sa buhanginan.

Nang itinapak ko ang aking paa ay ikinatuwa ko ito na parang bata dahil sa paglubog ng aking paa. Hindi man ito kasing puti ng ibang bumangin sa mga dagat ngunit may ganda naman itong kulay abuhin.


"Hoy! Ate!. Halika muna daw dito! " dahil sa sigaw na iyon ay nawala ako sa pagmumuni muni. Nilingon ko ang aking kapatid ngunit sa ibang mga mata ang natutukan ko.


Nginitiin ko ito ng napakalaki ngunit hindi man lang ngumiti pabalik, tinalikuran pa ako. Napasimangot tuloy ako. Kaya pumunta na lang ako sakanila na kung saan naghahanda na sila sa cottage.


"Mga bata halina kumain na tayo." tawag ni tita sa amin habang nagaasikaso ng mga pagkain.


Lahat kami ay nagsabay-sabay kumain ngunit hindi ako makakain ng maayos dahil sa taong tingin ng tingin sa akin.


Ibinaling ko sakanya ang aking paningin na nakatutok kanina sa pagkain.


"Bakit? " tanong ko rito ngunit pabulong lamang.


"Ha? " balik na tanong niya.


"Bakit nakatingin ka sa akin." nilabanan ko ang kanyang mga tingin.


" Hindi ako sa iyo nakatingin sa likod mo. " saad nito kaya lumingon ako sa likod ko. Balibhasa may mga babaeng naguusap sa kabilang cottage 'yun na ang idinahilan niya.


Pinagmasdan ko ang mga kababaihan na naka-swimsuit, magagandan naman pero mas maganda pa rin ako. Muli kong hinarap si Josh dahil magkaharap lang kami ng upuan.
Lalaki nga naman mahilig sa mga sexy babae .


"Tsk. Tsk. Tsk."


Nang tumingin ako sakanya nagsalubong ang aming tingin pero ako na rin ang unang nag-iwas at kumain na lang, mamaya baka mapahiya pa ako. Buti na lang walang nakapansin sa paguusap naming 'yun dahil busy ang mga kasama naming magsikain at kwentohan kung gaano sila kaexcited na maligo.

Binilisan ko na rin ang pagkain ko at mabilis na nagpalit ng damit panligo.

Kasalukuyan akong naglalagay ng sun block ng may lumapit sa amin na lalaki.


" Ate pwede po bang makahiram po kami ng knife?." nahihiyang tanong ng lalaking lumapit sa amin, na kay tita nakatingin.


Hindi ko maalis ang paningin ko sakanya lalo na't nakuha niya ang aking atensyon, sa tangkad niya, sa kaputiang kulay. Matangos rin ang pagkakahugis ng ilong nito maganda ang kulay brown na mga mata, wala kang makita na kahit ano sa mukha clear skin kung baga.


Sandaling minuto ay napagmasdan ko ang kan'yang mukha.


"Ito oh, pakibalik n'yo na lang agad pagkatapos n'yo gamitin. " ani ni tita at iniabot ang knife sa lalaki.


"Opo, d'yan lang naman po kami sa ikalawang cottage." turo niya sa sunod na katage.


Pati sa pagsasalita ay napakagentle kaya hindi ko maialis ang paningin ko sakanya.


"Sige." sagot ni tita sa lalaki. At noon ko lang nilingilon si tita nang inabot niya ang knife at muli kong naibalik sa lalaki ang paningin ko. Gulat naman ako na nakatingin na pala sa akin 'yung lalaki. At mas ikinagulat ko ang bigla niyang pagngiti, kaya hindi ko na nagawang makapagreact hanggang sa nakaalis s'ya.


Shit! sobrang gwapo naman nun!
feeling ko na love at first sight ako.


Ganoong hitsura ang Ideal Man ko matangkad, maputi, kulay brown ang mga mata plus clear skin pa.


Waaaahhhhh


Tili ko sa isip ko na hindi mapigilan ang kilig.

Kaso sayang hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.







Itutuloy.....

Three Words Twelve LettersWhere stories live. Discover now