B2: Chapter 8

8.2K 244 40
                                    

Maagang nagising si Karylle para maghanda ng almusal. Gusto nya talagang bumawi sa asawa kaya naisip nyang sorpresahin ito ng niluto nyang almusal.

"Goodmorning K!" bati ni Vhong.

"Goodmorning." -Karylle

"Mukhang masarap yan ha.. Pwede pahinge?" -Vhong

"Sure.. Para sainyo talaga yan." -Karylle

Tuwang tuwa namang pumwesto si Vhong sa dining table at agad kumain ng niluto ni Karylle.

"Ang sarap nga!" puri ni Vhong.

"Salamat... Wag mong ubusin ha, may kakain pa." -Karylle

"Oo naman... Ahm, pwedeng pakitimplahan ako ng coffee?.. Nabibilaukan kase ako.. Please?" -Vhong

Natawa nalang si Karylle sa kakapalan ng face ni Vhong. Dahil ayaw nyang masira ang umaga nya, tinimplahan na nya ng kape si Vhong. Nagtimpla nadin sya para sakanya.

"Salamat K, tara kain tayo." yaya ni Vhong.

Maya maya pa ay natanaw ni Karylle si Vice na pababa na ng hagdan. Sa guest room pala ito natulog at hindi sa sala. Naka-sweater, short shorts at rubber shoes ito. Napangiti si Karylle at tinawag ang asawa.

"Bakla!.. Ready na yung breakfast!" -Karylle

Walang reaksyon lumingon si Vice sakanya.

"Ayokong magbreakfast, magjojogging kami ni Solenn." seryoso nitong sabi bago lumabas ng bahay.

Nakita ni Karylle si Solenn na sumunod kay Vice kaya kumulo ang dugo nya.

Akmang isusubo na ni Vhong ang tasty bread na may ham nang biglang agawin ito ni Karylle at kinagatan ng malaki.

"Karylle, akin yan." sambit ni Vhong. Napakunot noo naman si Karylle.

"Ako nagluto nyan para kay Vice... Kung ayaw nyang kainin, walang makikinabang nito!... Walang kakaen!" -Karylle

Padabog na niligpit ni Karylle ang lahat ng pagkain sa hapag kainan.

"Uy sayang!" saway ni Vhong.

"Tse!" bulyaw naman ni Karylle.

.

.

.

Nasa park sila Vice at Solenn. Nagpahinga muna sila sa isang bench dahil kakatapos lang nilang magjogging.

"Ang sweet ni Madam K ha.. Pinaghanda ka pa ng almusal." -Solenn

"Ngayon lang yan... Sinusuyo kase ako." -Vice

"Sinusuyo ka?.. Bago yun ha!... Bakit ayaw mo pang makipag-ayos?" -Solenn

"Pinaparamdam ko lang sakanya yung ginagawa ko dati sakanya.. Nung ako pa yung sumusuyo sakanya." -Vice

Napailing naman si Solenn at natawa.

"Pride?... Ginagamit yan sa paglalaba at hindi inaapply sa relasyon.. Wag mo na syang pahirapan." -Solenn

"Let's see.. Nag-eenjoy ako eh." -Vice

Inabot na ng tanghali ay hindi pa bumabalik sila Vice at Solenn mula sa pagjojogging.

Samantalang umuusok naman ang tenga ni Karylle na kasalukuyang nasa kwarto nila kasama si Anne.

"Anong oras na hindi pa sila bumabalik?... Hanggang saan ba sila nagjogging? Pauwi ba sa maynila?" -Karylle

"Chill lang girl.. Baka may dinaanan lang sila somewhere." -Anne

"Naku! Malalagot talaga sakin yang Baklang yan!" tiim bagang na sambit ni Karylle.

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon