B2: Chapter 1 - May Book 2 pala! ^_^

9.7K 212 16
                                    

Kasalukuyang nasa opisina ngayon si Vice kasama si Anne. Ang bago nyang sekretarya.

"How was she?" tanong ni Anne.

Vice sighed.

"Ganun padin, walang bago." tipid na sagot naman ni Vice.

Bigla namang pumasok ang mga maiingay na bakla.

"Hi Meme!" sabay sabay na sigaw nila Archie, Francis at Bernard.

"Oh anong kailangan nyo?" pataray na sambit ni Vice.

"Eto naman, ke-aga aga ang sungit sungit!" puna ni Archie.

"Eh ikaw ba naman, matigang ng ilang buwan.. Hindi ka magiging masungit? Di ba Bernard?" segunda naman ni Francis.

"Oo nga." sagot ni Bernard sabay kamot sa tyan.

"Gaga!" sigaw naman ni Vice sabay bato ng papel sa mga bakla.

"Don't worry Vice, malalagpasan din ni Karylle yan... Babalik din sya sa dati." napangiti nalang si Vice sa sinabi ni Anne.

"Sana nga... Ayokong pati sya mawala din sakin.. Ang sakit sakit nang nangyari, pero pilit kong kinakaya para sakanya.. Pareho naman kaming nawalan." mangiyak-ngiyak na sambit ni Vice.

"Awww.. Nandito lang kami para sayo Vice.. Tutulungan naming makamove-on si Karylle para sayo." sambit naman ni Archie.

"Grouphug nga dyan!" -Francis

Sabay sabay namang niyakap nila Anne at mga bakla si Vice.

"Tagay tayo!" nakangiting sambit ni Bernard.

"Di pwede... Walang kasama si Karylle sa bahay.. Uuwi akong maaga." pagtanggi ni Vice.

"Tong si Bernard, di ko alam kung may pinagdadaanan 'to eh... Panay alak ang nasa isip!" kunot noong sambit ni Francis.

"Di wag!" -Bernard

.

.

.

Tulad ng sabi ni Vice sa mga bakla ay maaga nga itong umuwi. Naabutan nya si Karylle sa sala habang nanunuod ng tv.

"I'm home, Mahal." sambit ni Vice nang makalapit ito sa asawa.

Akmang hahalikan na nya ito sa pisngi nang bigla itong tumayo.

"May pagkain sa kusina.. Kumain ka na lang kung nagugutom ka." malamig nitong sambit bago umakyat sa kwarto nila.

Napahilamos nalang si Vice sa mukha dahil sa lamig ng pakikitungo ng asawa. Panay kasungitan at pagtataray nalang ang natatanggap nya mula rito simula noong mangyari ang aksidente.

"Konting tiis pa Bakla... May pinagdadaanan lang si Simang." bulong nya sa sarili.

After kumain ni Vice ay pumanhik na ito sa kwarto nilang mag-asawa. Agad syang tumabi dito at niyakap sa likod.

"Mahal, alam kong nahihirapan ka din... Pero sana, wag mo kong iiwan ha." seryosong sambit ni Vice.

"Itulog mo lang yan... Bukas, katabi mo padin naman ako." sagot naman ni Karylle.

"Mahal..." muling tawag ni Vice.

"Bakit nanaman?" pagsusungit ni Karylle

"I love you...." bulong naman ni Vice.

"Ge... Goodnight."

Tila napikon naman si Vice sa sagot ng asawa. Tumalikod nalang sya dito at pinilit na matulog.

= = =

"Brad, intindihin mo nalang yung asawa mo... Alam mo namang may pinagdadaanan yung tao eh." sermon ni Vhong.

Niyaya kase itong magjogging ni Vice. After nilang magjogging ay dumaan muna sila sa isang coffee shop pare mag-usap.

"Feeling ko kase hindi na nya ko mahal... Dalawang buwan na syang ganyan sakin." pagmamaktol ni Vice.

"Alam mo Brad, kesa magmukmok ka dyan.. Tulungan mo nalang syang magmove-on sa nangyari." payo naman ni Vhong.

"Paano naman?." -Vice

"Spend more time with her... Iparamdam mong nandyan ka pa para sakanya... Diskarte mo na yun." kampanteng sambit ni Vhong. Napabuntong hininga naman si Vice bago uminom ng kape.

.

.

.

.

to be continued.....

A.N: Hallow!!!! Here we go again! May Book 2 pala!.. Short UD lang po, sensya! ^_^

Please support nyo din yung "My Pretty Boyfriend" ha.

Vote. Comment.

@kaiceVK14

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon