B2: Chapter 3

8.3K 230 24
                                    

Next day morning ay maagang umuwi si Vice. Nagpaalam naman si Anne dito dahil may lakad pa syang kailangan puntahan. Pagkaalis ni Anne ay tumungo na si Vice sa kwarto nilang mag-asawa. Umupo sya sa tabi ng natutulog na asawa at hinawi ang mga buhok na tumatakip sa mukha nito.

"Mahal, nandito na ko... Namiss mo ba ko?" bulong nya. "Malamang hindi.. hindi mo nga ko tinawagan o tinext." sa isip nya. Hinalikan nya sa labi si Karylle kaya naamoy nya ang alak na ininom nila Anne kagabe.

"Langya talaga 'tong si Anning.. Nilasing yung asawa ko... Lagot ka sakin." -Vice

Nagdecide si Vice na maghanda ng almusal para sakanilang mag-asawa. Nagmadali kase syang umuwi kaya hindi nadin sya nakakain.

Maya maya pa ay nakita na nyang pababa ng hagdan si Karylle. Ngunit nagtaka sya dahil nakaayos ito at mukhang may pupuntahan.

"Goodmorning Mahal..." bati nya bago humalik sa asawa.

"Morning." malamig na sagot ni Karylle.

"Aalis ka?" -Vice

"Hindi... Maglilinis ako ng bahay ng nakaganitong ayos.. Okay ba?" masungit na sagot ni Karylle.

Napahilot sa batok nalang si Vice dahil sa kasungitan ng asawa.

"Saan ka pupunta?" muling tanong ni Vice.

"Sa langit, susundan ko yung anak ko... Namimiss ko na eh." seryosong sambit naman ni Karylle.

Napatahimik nalang si Vice sa sinabi ng asawa. Pasukong umupo nalang ito sa katabing upuan at yumuko. Napansin naman ni Karylle ang pananahimik nito pero nagpatuloy nalang sya sa paglakad papalabas ng bahay.

"Hindi man lang napansin yung hinanda kong almusal.. Imbyernang babae 'to." pabaklang bulong ni Vice. "Mailigpit na nga."

Akmang liligpitin na ni Vice ang mga pagkain sa lamesa nang muling bumalik sa bahay si Karylle. Napalingon naman si Vice.

"Sorry, I forgot something." seryosong sambit ni Karylle.

Nagulat nalang si Vice nang halikan sya ni Karylle sa labi ng matagal.

"I missed you, Mahal.. I love you." bulong pa ni Karylle pagkatapos ng halik. Muli itong naglakad papalabas ng bahay.

Kilig smile naman si Viceral.

.

.

.

"Anak, kamusta ka na?.. Miss ka na ni Mommy.. I'm sorry kung hindi kita nailigtas ha.. Sana kase sinama mo nalang ako para hindi ako nangungulila sayo ng ganito." nagsisimula namang mamuo ng mga luha ni Karylle habang kinakausap ang puntod ng anak. "Habang buhay kong pagsisisihan yung araw na nawala ka sakin.. Hindi ko alam kung kaya ko pang gumising sa mga susunod na umaga na wala ka... And I know, sobrang nahihirapan nadin ang Papsie mo sakin.. Kase anak, hindi ko alam kung papaano ko pa mamahalin ang Papsie mo kung mismong sarili ko hindi ko mapatawad sa pagkawala mo.. Siguro iniisip na nyang iwanan ako o baka palitan na ko.. Wag kang mag-alala, ready na ko doon----"

"Nandito ka pala."

Agad lumingon si Karylle sa nagsalita mula sa likod nya.

"Hi Dong." bati nya.

Sinundan nya ng tingin si Dingdong habang nilalapag ang bulaklak sa puntod ni Cassy.

"Si Vice?" tanong ni Dingdong.

"N-Nasa sa bahay." naiilang na sambit ni Karylle.

"Bakit hindi kayo magkasama?" -Dingdong

Hindi naman agad nakasagot si Karylle kaya muling nagsalita ito.

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon