Chapter 24

11K 267 18
                                    

General POV

Ilang araw na ang lumipas nang magtrabaho ulit si Vice sa 3Kings ay hindi pa rin sila nakakapag-usap ng maayos ni Karylle. Sa tuwing magkikita o magkakasalubong kase sila ay tarayan at sungitan lang ang nagaganap. Sinasadya kaseng asarin ni Vice ito.

Habang busy si Karylle sa opisina nito ay biglang bumukas ang pintuan nito.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ni Karylle.

Tila hindi naman sya narinig ni Vice at dirediretso itong humiga sa sofa na nasa tapat ng table ni Karylle.

"Hey, what you're doing?... matutulog ka lang pala bakit dito pa sa opisina ko?.. bumalik ka na dun sa opisina mo." inis nitong sambit.

"Ayoko nga.. Sira yung aircon doon tsaka mas gusto ko dito." pagmamatigas nito tsaka bumaling patalikod kay Karylle.

Agad naman syang nilapitan ni Karylle at hinila ang kamay patayo.

"Get up! Hindi ka pwede dito.. Baka may makakita sayo." medyo nainis si Vice sa narinig kaya inalis nya ang pagkakahawak ni Karylle sa kamay nya.

"Ano bang problema mo sa pagtulog ko dito sa opisina mo? Ginagawa ko naman ito dati ha.. Tsaka, minsan pa nga magkatabi tayo sa kama mo." nakangisi nitong sambit bilang pang-aasar. Agad namang pinamulahan ng mukha si Karylle.

"Vice, iba na ngayon.. Please leave." mahinahon nitong sambit.

"Sige na, lalabas na ko.... Pakiayos yang make up mo, masyadong makapal yung blush-on." sabay labas ng pintuan nito.

Naiwan naman si Karylle na habol ang hininga dahil sa pagpigil ng nararamdaman kanina pa. "No K, hindi na kayo pwede.. Ayaw mong saktan si Dingdong di ba? Move-on." sa sarili nya.

.

.

Vice's POV

I'm hurt and confused. Kaya niyaya kong magbar sila Vhong at Buern after ng work. Nasa VIP room kami ngayon at medyo nakainom na din.

"Alam kong may problema ka... Simulan mo na magkwento bago ako bumagsak dito." panimula ni Vhong. Kilala talaga ako nitong taong 'to.

"Actually,-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may dumating na maiingay.

"Hi Viceral!" pabaklang bati ni Archie.

"Oy Viceral, hindi ka nag-aaya ha.. buti tumawag si Buern! Baklang 'to!" pabaklang sambit ni Francis.

"Tagay na!" ano pa nga ba? Alak na alak na si Bernard.

Napahilot nalang ako sa sintido ko. Kaya ko nga niyaya sila Vhong para makapag-isip pero mukhang mababaliw ako dito sa tatlong 'to.

"Osige na, join na kayo ditey!" yaya ko. Wala na akong magagawa.

Agad namang nagsiupo ang mga timawa ay este ang mga bakla. Inom dito, inom doon, ayan lasing nadin sila. I must take this opportunity para matanong ko sila and tell me the truth.

"Oy Archie!" I called him.

"Yiz meme? *hik*" lasing na nga 'to.

"Kamusta si Karylle nung umalis ako?" tanong ko.

"Ay nako Vice *hik* biglang nagdisappear *hik* ang bruha."  sagot ni Archie.

"Grabe ha, nagpaalam naman sya.. Kase nga juntis sya." sabat ni Francis.

"Bu-buntis sya?!" I shouted. Hindi ko alam na buntis na pala sya nung pagkaalis ko.

"Oy brad, di ba alam mo na, na may anak na si Karylle bakit nagulat ka pa?... hahaha baliw ka tol." lasing na sambit ni Vhong habang nakangisi pa na parang nakabatak ng droga.

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon