Chapter 2

13.9K 254 10
                                    

Kinabukasan ay nailabas nadin ni Nanay Rosario si Vice sa presinto. Binayaran nya ng doble ang damit na ninakaw daw ni Vice sa shop. Agad din silang umuwi ng bahay.

"Sorry na Nay, hindi ko naman talaga nanakawin yun. Pinagbintangan lang ako nung babaeng pinaglihi sa sama ng loob." paliwanag ni Vice.

"Hay nako Tutoy, hayaan mo na. Nandyan na yan, ang isipin mo nalang kung paano ko mababayaran yung pinangpiyansa ko sayo." mahinahon nitong sabi. "Ipinangutang ko pa yun kay Pareng Ernie."

"Hayaan nyo Nay, eextra nalang po ako sa bar ni Ninong Ernie mamayang gabi para may pangbayad tayo." pagkasabi noon ay dumiretso na si Vice sa kwarto nya.

"Hay, sana hindi ko na makita si Simang the simangotera. Malas ata hatid nya saken. Nasisira ang beauty ko. Nakakaloka!" sabi nito sa sarili nang makahiga sya sa matigas nyang kama.

.

.

.

.

.

Nasa condo unit nya ngayon si Karylle. Mag-isa lang sya dito dahil sa Canada naninirahan ang mga magulang nya. Only daughter lang sya nila Mrs. Zsazsa at Mr. Modesto Tatlonghari.

Karylle is already 33 years old at wala padin syang stable relationship. Si Anne ang nagsisilbing match maker nya dahil ito ang nagseset ng mga blind date para kay Karylle. Kailangan kase ni Karylle magkaanak bago sya tumuntong ng 35 years old.

Kundisyon ito nila Mrs. and Mr. Tatlonghari sa anak bago ipamana ang 3Kings Clothing Company dito. Natatakot kase ang mag-asawa na baka tumandang dalaga si Karylle at baka walang mag-alaga dahil sa kasungitan nito. Kaya sa ayaw at sa gusto ni Karylle ay kailangan nyang magka-anak.

"Oy girl! hindi ka ba papasok today?" sigaw ni Anne kay Karylle via Skype.

Ito ang nakagawian ng dalawa tuwing umaga. Minsan kase ay binibrief muna ni Anne si Karylle tungkol sa mga meetings nito bago pumasok.

"Hindi, wala ako sa mood." sabi ni Karylle sabay higop sa kape.

"Bakit? lasing ka nanaman kagabe?" -Anne

"Tange hindi. Hindi naman ako lumabas kagabe. Gusto ko lang magpahinga." inom ulit ng kape. "Tsaka nakakapagod din pala yung mga katangahan ng mga empleyado ko." natatawang sabi ni Karylle.

"Grabe ka ha. Natataranta lang kase sila dahil sa kasungitan mo. Ngiti ngiti din kase minsan." pataray na sabi ni Anne.

"Gaga! Kung ganyan lang din sila katanga, sa tingin mo matutuwa ako?" sabi ni Karylle sabay subo ng cake. "Oo nga pala, may nahanap ka na bang kapalit ni Jane?"

"Wala pa po Madam K! Hayy ang hirap na maghanap ng magagaling magdesign ngayon." -Anne.

"Basta maghanap ka! kelangan next week, may mahanap ka na." -Karylle

"Pati ba naman ako may due date? Pero sige, I'll try." -Anne

"Wait Anne, pwede ka ba mamaya? Labas tayo." -Karylle

"Ay, hindi pwede. May date ako." malanding sabi ni Anne. Napairap naman si Karylle.

"Date nanaman?" -Karylle

"Ikaw naman, hindi ako masungit tulad mo. Kaya may mga boylets ako!" pang-aasar nito. "Jusko K, kelangan mo na ng lalake. Malapit na ang deadline mo. Hahayaan mo bang mabulok yang matres mo?!"

"hmp!. Hindi nakakatawa. Sige na, bye." pikon na sabi ni Karylle sabay pindot ng end button.

.

.

.

.

"Oy couz bongga! mabuti nadalaw ka dito! may ibabalita ako sayo!" sigaw ng baklang pinsan ni Vice na si Buern nang dumalaw sya sa karinderya nito.

"Ano nanaman yan ateng?" malanding tanong ni Vice.

"Eto oh!" may pinakitang dyaryo si Buern kay Vice. "Naghahanap ang 3Kings Clothing Company ng fashion designer! Perfect ka dyan couz!"

"Talaga?! ay bongga nga!" halos mapatalon naman sa tuwa si Vice. "Tamang tama kelangan ko ng raket ngayon. Naisangla kase ni Nanay yung bahay namin at malapit na itong marimata."

"Wag kang mag-alala couz. Bukas na bukas, sasamahan kita dyan!." -Buern

"Osige. Sana matanggap ako!" masayang sabi ni Vice.

.

.

.

.

to be continued......

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon