Chapter 1

21.8K 307 21
                                    

Vice's POV

"Tutoy! gumising ka na dyan! ikaw talagang bata ka, kukupad kupad kumilos!"

Ayan sumisigaw nanaman yung nanay ko. Kala mo ang laki ng bahay namin para di ko marinig.

"Opo nay!" sabi ko habang inaayos ang hinigaan ko.

Pagkatapos ko ayusin ang higaan ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para mag-almusal. Ayun, pandesal at kape nanaman. Nakakaumay.

"Oh Tutoy, bilisan mo na dyan at baka maunahan ka pa sa pwesto sa palengke." sabi ng nanay ko nakakalabas lang ng banyo.

"Nanay naman eh, Tutoy ka ng Tutoy, di ba pwedeng Vice Ganda nalang?!" malandi kong sabi.

"Magtigil ka dyan Tutoy, may nalalaman ka pang Vice Ganda, Vice Ganda dyan. Kung ayaw mong tawagin kitang Tutoy, sige Jose nalang." pagalit ni nanay.

"Ay sige nay, okay na pala saken yung Tutoy." 'tong nanay ko, di mabiro. Mas masagwa yung Jose sa Tutoy. Eeewww.

Nang matapos akong mag-almusal ay agad na akong naligo para pumunta sa palengke. Nagtitinda kase ako ng damit na natahi ng nanay ko. Dati syang designer sa isang kompanya pero tinanggal sya. Hindi ko alam ang dahilan dahil hindi nya naman naikwento saken.

Agad kong niladlad ang mga paninda ko nang makarating ako sa pwesto namin.

.

.

.

.

.

General POV

Abala ang lahat sa 3Kings Clothing Company. Lahat ay hindi magkandaugaga sa pagset up ng mga props sa rooftop ng building. Ngayon kase ang photoshoot para sa bagong designs ni Madam K. Halos lahat ay naka-ready na.

"Oy yung wall sa gilid, pakiayos dali! jusko parating na ang tigre!" sigaw ni Francis, ang beking designer.

Maya maya pa ay bumukas ang pintuan ng rooftop lulan ang isang babae. She's wearing her evil eyes and a serious face with her ellegant office attire that fits to her kurbalicious body. Natahimik naman ang lahat.

May lumapit naman ditong isang empleyado.

"Ahm, Madam K ready na po ang lahat sa photoshoot." sabi ni Jane.

Nilibot ni Karylle ang paningin sa mga nakaayos na props sa rooftop.

"Ang pangit ang set-up, ibahin nyo lahat yan!." sigaw nito.

Napatunganga naman lahat kay Karylle.

"Pero Madam, kanina pa po ito nakaayos.. kakapusin na tayo sa oras." reklamo ni Jane.

"Wala akong pake, in 20 minutes dapat ayos na yan." walang reaksyong sabi ni Karylle bago iwan si Jane at dumiretso sa upuang nakahanda para sakanya.

Pero sadyang makulit ang reklamadong si Jane kaya sinundan padin nya si Karylle.

"Madam, hindi nyo na po dapat ipaayos lahat yan.. pagod nadin po ang mga staffs." reklamo ulit nya. Tinitigan naman sya ni Karylle kaya napaayos sya ng tayo.

"Kelan ka pa natutong magreklamo sa mga pinapagawa ko?... gumawa ka ng sarili mong kumpanya... You're fired." mahinahon nitong sabi.

"Pero Madam-----"

"I said, your fired."

Sabay takbo ni Jane sa pintuan ng rooftop habang umiiyak.

"Oh anong tinutunganga nyo dyan?.. go back to work!" sigaw nya.

Agad naman nagsialpasan ang mga staffs para ayusin ang venue kahit hindi nila alam kung aabot pa ba sa 20 minutes na sinabi ni Karylle.

"Oy girl, ano nanamang nasinghot mo't ang init nanaman ng ulo mo?" sabi ni Anne nang makalapit ito dito.

"Wala, sino bang nagsusungit? ako?" -Karylle

"Hindi, si Francis ata?" pabiro ni Anne.

"Oy! labas ako dyan Anne!" sigaw naman ni Francis.

"Wag mo na nga akong guluhin Anne, just go back to work." pagsusungit nito. "And maghanap ka na din ng papalit kay Jane."

"Eh nakailang palit ka na ba ng designer? ang hirap na maghanap ha." reklamo ni Anne.

"Nagrereklamo ka din?" sindak ni Karylle.

"Eto naman hindi mabiro, sige may tatawagan lang ako." sabay layo kay Karylle.

Si Anne ang assistant slash bestfriend ni Karylle. Sya lang talaga ang nakakatiis sa sobrang kasungitan nito. Pero kahit bestfriend sya ni Karylle ay malimit nya lang ding makita itong nakangiti.

.

.

.

.

Pagabi na nang mapagpasyahan ni Vice na umuwi. Marami marami nadin kase ang nabenta nya ngayong araw. Habang naglalakad sya ay may nadaanan syang boutique. namangha sya sa mga designs ng damit dito kaya pumasok sya para mag-usisa.

Nilibot nya ang buong boutique at tumingin ng mga damit. Kinuha nya ang cellphone nyang mumurahin at pinucturan ang isa sa mga damit.

"Ay magandang design 'to. Ipapagaya ko nga kay nanay ito." sabi nya habang tinitignan ang litrato. "Ay eto rin maganda! bongga!"

Akmang kukuhanan nya din ng picture yung isang damit nang may sumita sakanya.

"Hey, bawal yan! lapastangan ka!"

Nang lingunin nya ito ay makita nya ang napakagandang babae ngunit salubong naman ang kilay.

"Ang sungit mo naman! pipicturan ko lang eh!" sigaw nya din sa babae.

Nakita nang babae ang hawak hawak ni Vice na damit.

"Aba, may balak ka pang mangshoplift ha. Manong guard!" sigaw ng mataray na babae. Agad naman lumapit ang guard dito.

"Bakit po Madam K? may problema po ba?" tanong ni Manong guard.

"Pakidala nga sa prisinto itong baklang hapaslupa na 'to. Shoplifter yan." utos nya.

"Teka, teka, teka! I'm not shoplifting!.. FYI! may clothing company din kami!" matapang na sabi ni Vice.

"Really?.. then what company is that?" pagtataray nito habang makapamewang.

"Ah eh... Rosario Clothing Company!.. huh! magaganda ang kalidad ng mga damit namin kesa sa inyo!" pagyayabang din nito. "At murang mura, buy one take one, tupipti lang! wag ka!" with matching hand gesture pa.

"Omygad! what a mess!... eh sa palengke lang pala yang clothing line nyo eh... hahahaha very funny!.. hala sige manong guard, suplungin nyo na yan!" sabay talikod palayo kila Vice.

"Sabing hindi nga ako shoplifter eh!.. teka nga!" pagpupumiglas nya. "Humanda ka Simang! babalikan kita!" sigaw nya kay Karylle.

Tuluyan na ngang nadala ng guard si Vice sa presintong malapit sa boutique.

.

.

.

to be continued.....

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon