B2: Chapter 5

8.3K 231 22
                                    

Napagdesisyonang bumalik ni Karylle sa 3Kings Clothing Company dahil sa pangungulit ni Anne at dahil nadin sa kagustuhan nyang makarecover sa pinagdadaanan nya.

Kasalukuyang inaayos nya ang mga gamit sa dating opisina nya nang biglang bumukas ang pinto lulan si Vice.

"Bakit ka bumalik?" tanong ni Vice.

"Bakit?... Bawal na ba akong magtrabaho sa kumpanya KO?" walang reaksyong sagot ni Karylle.

"Hindi naman... P-Pero, b-bumabalik ka na din ba sakin?" -Vice

Napangiti naman si Karylle kaya nagliwanag ang mukha ni Vice.

"Hindi." tipid na sagot ni Karylle. Napakunot noo naman si Vice.

"Bakit?" -Vice

"Not now, Vice... Hindi pa ako totally nakakarecover.. Kaya nga ako nandito para malibang naman ako at para hindi ko na maisip si Cassy." lumapit pa ng kaunti si Karylle kay Vice. "Vice, ayokong bumalik sayo tapos palagi lang tayong mag-aaway.. Kasi sa totoo lang, my love for you is not the same as before."

Napalunok naman si Vice sa sinabi nito.

"Kaya please, hayaan mo muna ako." dagdag pa nya.

Napayuko nalang si Vice at lumabas na ng opisina ng asawa. Again, she rejected him.

.

.

.

After work, niyaya ni Vice si Vhong para magbar. Nasa VIP seat sila ngayon at mukhang marami na ang nainom nito. Hindi naman masyadong uminom si Vhong para maalalayan si Vice.

"Alam mo Brad, hindi ko alam na lumalaklak na pala ng sabong panlaba yang Simang na yan." buong hinanakit na sambit ng lasing na lasing na si Vice.

"Sabong panlaba?.. Ano yun Brad? Ariel o Tide?" kunot noong tanong ni Vhong.

"Pride bobo!!!" singhal naman ni Vice. "Hindi ko nga maintindihan dyan sa Simang na yan kung bakit nya ko laging pinagtatabuyan."

"Brad, all she wants is space... Hayaan mo muna kase syang makapag-isip isip." -Vhong

"Space?.. Tama ka Brad, bibigyan ko sya ng space.. Hindi na ko maghahabol sakanya... Hahayaan ko namang sya ang maglaway sakin." nakasmirk na sabi ni Vice.

Natawa naman si Vhong sa mga pinagsasasabi ng pinsan. Halata kaseng lasing na ito.

"Tara Brad, umuwi na tayo.. Lasing ka na." yaya ni Vhong.

"Sige umuwi ka na, dito lang muna ako." -Vice

"Wala ka nang kasama dito.. Tara na." -Vhong

"Hindi... May cute kase dun oh!.. Type ko." sabay nguso sa lalaking nasa kabilang table.

"G*go!.. Halika na nga!.. Ang landi mong bakla ka!" -Vhong

Hindi na tumutol si Vice nang hatakin sya ni Vhong papalabas ng bar.

= = = =

Nag-overnight naman si Anne sa condo ni Karylle. Hindi na kase sya pinauwi nito after nyang ihatid kaya napilitan nanaman sya.

Napagpasyahan naman nilang magmovie marathon kaya nagluto si Karylle ng popcorn. Pagbalik ni Karylle sa sala ay naabutan nya si Anne na busy sa phone nito.

"Who's that?" tanong ni Karylle.

"Si Vhong." -Anne

"Oh anong meron kay Vhong?" -Karylle

"Okay naman sya pero yung asawa mo yung mukhang di okay." -Anne

"Bakit naman?" -Karylle

"Ayun, nagpakalasing ba naman... Kakahatid nga lang ni Vhong sa bahay nyo." -Anne

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon