Chapter 7

12.7K 256 23
                                    

Karylle's POV

"Pack up!!!" i shouted.

Sa wakas natapos din ang photoshoot dito sa isang liblib na resort para sa bagong designs ng 3Kings. Time to rest na but when I saw this guy ay este gay, parang naisip 'kong maglibot muna sa paligid. Balita ko'y may hidden falls daw sa bundok na malapit dito eh.

"Hoy bakla!" tawag ko kay Vice na kasalukuyang tumutulong sa pagliligpit ng set. Lumapit sya saken. "Come with me."

"Saan?" tanong nya.

"Wala nang madaming tanong. Basta samahan mo ko!"

.

.

.

Vice's POV

Ano ba 'tong si Simang, nakitang busy ako sabay magpapasama kung saan. Balak nya lang palang magmountain climbing. Pero nakaheels sya. Medyo tanga din 'tong si Simang.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa madamong bundok na'to. Masisira ang mga magaganda kong paa dito. Kaloka! Nakasunod lang ako sakanya habang patuloy sya sa paghahanap ng kung ano man yun.

"Simang! ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko.

"Will you please stop calling me Simang! I didn't know kung saan mo nakuha yang word na yan." pataray nya sakin. As always.

"Ano ba hinahanap natin dito? Si Tarzan? baka maligaw pa tayo eh."

"Basta, wag kang maingay!"

Napatingin naman sya sa kinakain ko at napakunot noo.

"What's that?" usisa nya.

"Ah eto?.. butong pakwan, binili ko kanina sa naglalako nung nasa byahe tayo." sagot ko.

"Penge nga." sabay agaw sa butong pakwan ko. Bastos din 'tong bruhang 'to eh. Di pa nga ko nangangalahati sa pagkain nun. "Mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin bakla." sarcastic nyang sabi.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nakakapagod na ha. Tumigil naman sya sandali.

"Finally, were here!" sigaw nya.

Tinignan ko naman kung saan sya nakatingin. Namangha ako nang makita ko ang napakagandang falls. Ang sarap sigurong magtampisaw dyan.

"Ang ganda naman dito Sima-- ay Madam K!" bigla syang nawala sa tabi ko. Hinanap ko naman ng tingin ang bruha at nakita ko syang nasa likod ko na pala with her evil smile.

"Maganda ba?.. edi maligo ka."

The next thing I know ay nagtampisaw na ko sa tubig. Sabi ko na nga ba eh. May masamang balak talaga yang si Simang. Itulak ba naman ako?

"Bruha ka talaga Simang! bakit mo ko tinulak!" inis kong sabi.

"Whahahahaha!!!!" malakas nyang halakhak. Grabe para syang kontrabida sa pelikula. Maya maya ay nakita kong naglalakad na sya paalis.

"Hoy wag mo kong iwan!" sigaw ko habang umaahon sa tubig.

.

.

.

General POV

Mabilis na naglakad si Karylle papalayo sa falls habang tumatawa. Balak nya talagang iligaw si Vice sa kabundukan.

"Sa wakas! wala na si bakla." sigaw nya. "Bahala syang maligaw dyan."

Ilang minuto nang nalalakad si Karylle pero parang nakailang ikot na sya sa kabundukan. Kukunin nya sana ang phone nya para tawagan si Anne pero naalala nyang naiwan pala nya ito sa bag.

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon