Chapter 4

12.8K 255 10
                                    

Nasa labas na ng Centerstage si Vice. Hindi nya alam kung papasok ba sya sa loob o uuwi nalang. Aalis na sana sya nang biglang may tumawag sakanya.

"Vice! buti pumunta ka!" sigaw ni Anne na papalabas ng pinto. Mukhang nakainom na ito. "Kanina pa kita hinihintay."

"Trapik kase eh." palusot ni Vice. Sa totoo lang ay mag-iisang oras na sya sa labas ng bar.

"Tara na sa loob. Ipapakilala na kita sakanila." yaya ni Anne.

Naunang pumasok si Anne sa loob ng bar. Dumiretso sila sa isang VIP room. Nadatnan nilang nagkakasiyahan na ang mga empleyadong close ni Anne. Actually, pito nalang pala silang nandito. Si Archie kachikahan si Francis, si Bernard na kanina pa kumakanta sa videoke, si Krissy na kumakain ng salad. Napansin din ni Vice si Karylle na nakaupo sa sulok na parang hindi naman nag-eenjoy sa ganap.

"Oy 'teh, saan ka galing?" tanong ni Archie kay Anne.

"May sinundo lang sa labas." sagot ni Anne.

Natigil naman sa pagkanta sa videoke si Bernard ng makita nito si Vice na nasa likod ni Anne.

"Oy bhe, kanta tayo." yaya ni Bernard kay Vice. Ningitian nya lang ito. Inagaw naman ni Anne ang mic kay Bernard.

"So guys, I want you to meet Jose Marie Viceral a.k.a. Vice. Our new designer!" sabi nito.

"Hi Vice! my name is Krissy. As in Kris Aquino! ha ha ha." paunang bati ni Kris.

"Hi pare, I'm Archie. You can call me Chie for short." maangas na pakilala ni Archie. Nilapitan nya si Vice at niyakap. "Hi Pare!"

"Oy Archie! wag kang magpanggap. Alam nyang paminta ka!" saway ni Anne.

"Oh edi wag!" pakembot naman itong bumalik sa upuan.

"Hi! I'm Francis Libiran. Half pogi, half maganda. Alam mo na!" sabay kindat kay Vice.

"Go Vice, introduce yourself!" excited na sabi ni Anne.

"Ako?" Anne nodded. "A-ako nga pala si Vice. Straight guy!" sabay ubo. "Uhm mabait ako promise."

Bigla namang natawa si Karylle sa may sulok kaya napalingon lahat dito.

"Nabuang nanaman si Bruhilda." bulong ni Francis kay Archie.

"May sinasabi ka Francis?" sindak ni Karylle.

"Wala po!"

Tinignan naman ni Karylle si Vice mula ulo hanggang paa. Sa suot ni Vice ngayon ay hindi mo mababakas ang pagkabakla nito. Straight guy pala ha. sabi nya sa sarili. Si Karylle lang ang nakakaalam na beki si Vice.

"Let's join us na Vice. Kanina pa kami nag-iinuman dito. Why ngayon ka lang?" tanong ni Krissy.

Nakijoin nadin si Vice kila Archie. Si Bernard naman ay nagdala na ng upuan sa tapat ng videoke. Wala na atang balak ibigay sa iba ang mic. Kasalukuyan itong kumakanta ng paborito nya, Pusong bato.

"Vice, ngayong nandito ka na sa trabaho namin. Kailangan mong magready." sabi ni Francis sabay tingin kay Karylle na tahimik na umiinom sa tabi. "Be ready kay Madam K."

"Bakit naman? mukhang tahimik naman sya ha." sabi ni Vice at matamang tinitigan si Karylle. Iniscan nya ito mula ulo hanggang paa.

Di nagtagal ay nagkapalagayan na loob sila Vice at sila Archie. Kung ano anong tanong ang binigay nila Anne kay Vice. Tuwang tuwa naman si Anne nang malaman na single pala si Vice. Nakakausap naman nila paminsan minsan si Karylle kapag si Anne ang nagtatanong.

Tumagal ang inuman hanggang sa malasing na ang lahat pwera kay Vice dahil late na naman itong

"I just call my driver and he said, papunta na daw sya dito. Sino sasabay saken?" tanong ni Krissy. Medyo may tama nadin ito.

"Ako!!!!" sabay sabay na sigaw nila Bernard, Archie at Francis.

"May sundo ako." -Anne.

"Teka, pano sya?" tanong naman ni Vice sabay turo kay Karylle na nakatulog na pala sa sofa.

"May kotse sya. Edi umuwi sya mag-isa." pataray na sabi ni Archie.

"Oy grabe ka ha. Bestfriend ko yan." -Anne

"Ay ganito nalang. Since hindi naman nalasing si Vice, sya nalang maghahatid kay Medusa." suggest ni Francis.

"Tama! Ikaw nalang Vice, please." pacute na sabi ni Anne.

"Ako?.. sigurado kayo?!" gulat na sabi ni Vice.

Sabay sabay na tumango naman ang lahat. Sinulyapan naman ni Vice si Karylle. Mahimbing padin itong natutulog sa sofa.

"Okay fine. Saan ba ang bahay nya?"

"Yey! your such a saviour Vice! hayaan mo sasabihin ko yan sakanya para may extra points ka." masayang sabi ni Anne.

Vice shrugged. "Baka mapahamak ako nito ha." biro niya.

Sinulat ni Anne ang address ni Karylle sa tissue para ibigay kay Vice. Maya maya pa ay dumating na ang sundo ni Krissy kaya nauna na itong umalis kasama sila Archie. Di nagtagal ay sumunod na umalis nadin si Anne.

Inakay ni Vice si Karylle papunta sa kotse at maingat nya itong sinakay dito. Tulog padin si Karylle habang nasa byahe.

"Ganyan ka ba kasama? Ni walang gustong maghatid sayo?" tanong nya dito kahit hindi naman sya naririnig ni Karylle.

"Siguro malaki ang problema mo noh. May boyfriend ka ba? Ang malas naman nya." natatawang sabi ni Vice habang nakatuon sa pagdadrive. "Hindi ko nga alam kung makakatagal ako sayo eh. Sobrang sungit mo. Parang palagi kang may period. Nakakaloka ka!" sabay iling nito.

"Kung hindi ka lang maganda, iiwanan na kita sa bar." sabay kilig smile nito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating nadin sila sa condo ni Karylle. Hinanap nya muna ang susi nito sa bag bago nya binuhat ito paakyat sa unit.

"Ang bigat mo pala girl!" pabakla nyang sabi.

Pagkapasok nila ng unit ay namangha naman si Vice sa sobrang organize ng kwarto nito. Dahan dahan nya hiniga si Karylle at pinagmasdan nya muna ito habang natutulog. Naramdaman nya nanaman ang bilis ng kabog ng dibdib nya katulad nung unang magkahawak sila ng kamay sa opisina nito.

"Bakit ganito epekto mo sakin?" bulong nito.

.

.

.

.

.

Kinabukasan.......

Nagmulat si Karylle na mabigat ang pakiramdam. Bigla ding kumirot ang ulo nya. Epekto marahil ng alak kagabe.

Nagising ang diwa ni Karylle nang maramdamang may gumalaw sa tabi nya. Dahan dahan nyang nilingon ito. Nakita nyang may lalaking walang pang-itaas ang nakatalikod sakanya.

"Whaaaaaahhhhh!!!!!" tili nya sabay tadyak sa lalaki kaya nahulog ito sa sahig.

"Aray ko!!!!"

Sinilip ni Karylle ang katawan nya sa loob ng kumot. Laking gulat nya nang wala pala syang suot na kahit na ano. Nakita nyang tumayo ang lalaki. Nakatapi ito ng unan sa ibaba.

"VICE????" sigaw nya.

.

.

.

.

to be continued.......

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon