Chapter 20

10.8K 268 23
                                    

After five years......

It's been years nung huli akong naglakad sa hallway na'to. All eyes were on me. They welcome me with a big smile. I just smile and nod to greet them back. Sa di kalayuan ay nakita ko na kung sino ang isa pang paparating para salubungin ako.

"Welcome back!!!" sabi nya nang may malaking ngiti sa labi. She hugged me.

"Grabe ka naman makayakap, nagkita naman tayo kahapon." sabi ko sabay kalas sa yakap.

"Hahaha I just want to hug you sis. Buti bumalik ka na dito sa opisina." sabi nya.

"Wala naman na akong balak bumalik dito Anne. Pero nakiusap lang si Dad na ako na daw ulit ang magmanage nitong company." sabi ko tsaka naglakad papuntang opisina. Sumunod naman si Anne.

"Sabi ni Dad na nagkakaproblema daw dito... At hindi na nya kayang ihandle." I said while fixing my stuffs on my table. Sabagay, namiss ko na 'tong pagtatrabaho. After he left, I decided to take a break. Inabot din ng ilang taon bago ako nakabalik ulit.

"Yah, may problema nga. Malaki." Anne said. "Pero wag na muna nating pag-usapan. Ang mahalaga, nandito ka na ulit!" excited nyang sabi. Napailing nalang ako habang tumatawa.

"Wait, sino nga pala kasama ni----" hindi na nya natapos ang sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko.

"Welcome back Madam K!!!!" sabay sabay na sigaw nila Archie, Francis at Bernard. Hawak naman ni Bernard ang tarpaulin na may nakalagay na 'Welcome back Madam K!' pero mas natawa ako sa nakalagay sa bandang baba ng tarp. 'Painom ka na!'

"Ikaw talaga Bernard.. Kaya lumalaki yang tiyan mo eh.. by the way, wag nyo na kong tawaging Madam K, Karylle is enough." natatawa kong sabi. This, eto ang nabago saken. Natutunan ko nang ngumiti, di naman pala talaga nakakamatay ang ngumiti paminsam minsan.

"Hay nako, walang nagbago sayo Madam K ay este Karylle.. Ang sexy mo padin!" tili ni Francis. Baklang bakla padin ang bruha.

"Uy Francis! alalay sa damdamin. May kilala akong ganyan, gay na nainlove sa merlat." asar ni Anne. I gave her a death glare then she just smile at me na parang nang-aasar talaga.

"Teka, parang kulang kayo ha.... Asan si Krissy?" tanong ko.

"Ayun nagresign na.. Ikinasal na kase kay Herbert... Remember? yung BF nya dati?" sagot naman ni Archie.

"Talaga?... nakakatuwa naman." sabi ko. "Ay oo nga pala, maiwan ko muna kayo ha.. May meeting pa pala ako kay Dad, ididiscuse nya pa saken yung problema dito sa opisina."

"Sige K, take your time." sabi ni Anne then lumabas na ko ng opisina.

.

.

.

General POV

Pagkapasok ni Karylle sa conference room ay nadatnan nya si Dr.Modesto na nagrereview ng mga papeles ng company. Halata ang pagka-stress sa mukha nito.

"Hi Dad." bati nya.

"Oh hija nandyan ka na pala.. Have a seat." sabi ni Dr.Modesto. Sumunod naman si Karylle at umupo sa tabi ng ama. Naramdaman nyang nagbuntong hininga ito.

"What's wrong?." takang tanong ni Karylle.

"I'm glad you're back.. Salamat at pinagbigyan mo ko... di ko na kase alam ang gagawin ko." malungkot na panimula ni Dr.Modesto. Tinignan lang naman sya ni Karylle.

"Ano po bang problema?" -Karylle.

"Karylle, 3Kings Company is on critical condition.. Unti unti nang nawawala ang mga investors natin dahil bumababa na ang mga quality ng designs natin." napayuko nalang si Dr.Modesto. "Maaring bumagsak na ang kumpanya natin."

"What?... B-bakit ngayon nyo lang sinabi sakin? Kung kelan lumaki na ng ganito ang problema?" nanlulumong tanong ni Karylle. Hinimas nalang nya ang likod ng ama para icomfort ito.

"Kailangan nating makahanap ng mga bagong investors para maisalba ang kumpanya." -Dr.Modesto.

"Don't worry Dad, ako na pong bahala.. We can get through this." -Karylle.

Pagkatapos mag-usap ay napagpasyahan nila Karylle at Dr.Modesto na kumain muna sa labas. Nagtungo sila sa isang resto malapit sa opisina.

.

.

.

"Yes, nakauwi na ko.. Don't worry, I'm safe.. Actually, papasok na ko ng pinto ngayon." sabi ni Karylle sa kausap na phone nito.

"Good. Ikaw kase eh, hindi mo pa ko pinayagang sunduin ka." sagot naman ng nasa kabilang linya. Nakapasok na si Karylle sa bahay nito at dumiretso sa tapat ng kwarto.

"Dong, sabi ko naman kase sayo na kaya ko naman mag-isa.. Bukas nalang tayo magkita ha." -Karylle.

"Okay, sunduin kita sa office ha." -Dingdong

"Sige... goodnight." -Karylle.

"Goodnight." -Dingdong.

Napangiti nalang si Karylle pagka-end ng call. Wala naman silang relasyon ni Dingdong pero nandyan parin ito para umalalay sakanila. Mabuti nalang din at wala itong hinihinging kapalit. She knows na mahal sya ni Dingdong pero hindi pwede dahil....... she still love HIM.

Itinabi nya ang phone sa bulsa ng bag nya at dahan dahang binuksan ang pintuan ng kwarto. Then she saw a little girl peacefully sleeping on the bed. Nilapitan nya ito at umupo sa bakanteng side ng kama. Tinitigan nya ang maamong mukha ng batang nasa harap nya at hinawi ang ilang mga kulot na buhok na medyo nakatabing sa pisngi nito. Hi baby, mommy's home. bulong nya sabay halik sa pisngi nito. Ilang minuto nya pang pinagmasdan ang anak bago pumunta sa kwarto nya.

After nyang magpalit ng damit ay umayos na sya ng higa sa kama. Habang nakatitig sa kisame ay napansin nyang umilaw ang phone nya na nasa tabi nya. Napatitig naman sya sa wallpaper nito. Ito ang last picture nila ni Vice together.

~

Karylle's POV

Now I'm staring at this photo of me and my love. Kamusta na kaya sya? Naaalala nya pa kaya ako? Masaya kaya sya ngayon? Mahal pa ba nya ako? o baka may asawa na kaya sya ngayon? this questions na palaging gumugulo sa isip ko araw araw simula nang umalis sya. Pero hindi padin ako nawawalan ng pag-asa na someday magkikita kami at masasabi ko lahat ng mga bagay na hindi ko nasabi sakanya noon. Sasabihin ko sakanya na may isang cute na Cassandra Faith Tatlonghari Viceral na nangungulila sa kanyang ama.

Naputol ang pagmumuni muni ko nang tumunog ulit ang phone ko. May nagtext.

From: Anne Curtis

Hi girl! I just want to remind you na may jogging tayo tomorrow. See yah! Goodnight.

Oo nga pala, muntik ko ba makalimutan na may jogging kame bukas nang umaga. I turn off my phone then go to sleep.

.

.

.

Madaling araw na nang magsundo si Buern sa airport.

"Welcome back Meme! Buti umuwi ka na!" masayang bati ni Buern na sumundo kay Vice sa airport.

"Umuwi ako kase may mga bagay pa kong kailangang gawin dito. Tsaka I'm back for........HER." sambit nito.

.

.

.

.

to be continued......

Vote. Comment. Share ^_^

#TBATB

@kaiceVK14

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon