Chapter 14: St. Achelous Annual Game: Begins

Start from the beginning
                                    

"May kakausapin lang ako saglit."


3rd person's POV

"Pakawalan ang mga Arachnids." utos ni Head superior sa Ministers. Nabigla naman ito sa mga sinabi ng Head superior.

"Head superior? Seryoso ba kayo sa mga sinasabi mo?" tanong ni Minister Luo sa kanya.

"Delikado ang gagawin nating iyan Head superior." pagpigil ni Minister Sylveria. Pinagmasdan na lamang nI Head superior ang mga ito.

"Malalagay sa alanganin ang buhay nh mga estudyante kung pakakawalan natin sa maze ang mga 'Arachnids' Head superior." giit ni Minister Hemster.

"Susundin niyo ba ako? O gusto niyong ipatapon ko kayo sa labas ng academy na ito?" medyo tumaas ang boses ng Head superior sa mga oras na ito. Walang magawa ang mga Ministers kundi sundin ang pinag uutos sa kanila ng superior.

"Masusunod Head superior." nanginginig ang kamay ni Minister Chu habang pinipindot ang button para bumukas ang kulungan ng mga 'Arachnids'.

"Napakawalan na ang mga 'Arachnids' Head superior." anunsyo ni secretary Didi habang nakatuon ang atensyon sa malaking screen sa harapan nila. Napabuntong hininga naman si Minister Hemster sa nakita.





Damien's POV

"Mukhang malabo na atang makalabas tayo dito Head leader." saad ni Drew. Kasalukuyan kaming naglalakad sa napakalawak na maze na ito. Napatigil si Head leader sa harapan namin.

"Guys? Gusto niyo ba talagang makalabas dito o hindi?" tanong niya sa amin. "Kanina pa kayo reklamo ng reklamo." dagdag pa niya.

"Charles!" tawag ni Alice sa kanya. Bumuntong hininga naman si Head leader tsaka nagpatuloy na sa paglalakad.

Mataas ang pader ng maze na ito. May mga ligaw na damo rin na gumagapang dito. I guess matatagalan kami bago makalabas dito.

"Ahhhhhh!" sigaw ni Anissa na kasalukuyang nakadikit sa pader habang may supot ng gagamba ang kanyang katawan.

"Sh*t Anissa!" sigaw ko. Patakbo naming tinungo ang kinaroroonan niya.

"What's that?" tanong ni Laurelei.

"Is that a spider web?" segunda naman ni Jake.

"Yeah, I guess." sagot ko.

"Guys ibaba niyo na ako dito please." pagmamakaawa ni Anissa habang pilit na inaalis ang sarili sa malagkit na supot sa kanyang katawan. Napalingon kami sa aming likuran ng may naramdaman kaming may dumaan dito.

"Ano yun?" tanong ni Lou.

"Grab your guns!" utos ni Head leader sa amin. Kaagad naming kinuha ang aming bio-technology gun at naging mapagmatyag sa paligid.

"Guys! Hindi niyo ba ako ibababa dito?" reklamo naman ni Anissa.

"Okay keep calm. Ibaba na kita." sabi ko sa kanya.

Inilapag ko ang aking bio-technology gun sa lupa at nagpalit ng aking anyo. Naging mabalahibo ang aking katawan. Nagkaroon ako ng mahabang pangil at mga mahahabang kuko. Tumingin muna ako sa kinaroroonan niya bago nagsimulang umakyat sa may pader. Malapit na ako sa kinaroroonan ni Anissa ng may biglang tumalon sa kanya at kinain siya. Nabigla naman ako sa biglaang pangyayari. Napaawang ang aking bibig habang nasasaksihan ang pagkain sa kanya.

"Ahhhhhh!" malakas niyang sigaw havang unti-unting naging abo ang kanyang katawan.

"Takbo!" malakas na sigaw ni Head leader. Mabilis akong tumalon pababa ng pader at nagbalik sa aking dating anyo bago pinulot ang aking baril. Kaagad akong tumakbo palayo ng lugar.



"Austin's POV

"Narinig niyo ba iyon?" natigilan ako sa aking paglalakad ng makarinig ako ng isang napakalakas na sigaw.

"Ano yun Austin?" tanong naman nI Luke sa akin. Tumingala ako sa itaas ng pader at pinakinggan ang paligid.

Swish. Tunog ng mga baging sa itaas ng mga pader sa aming likuran. Napalingon naman kaming lahat dito. Binalot ng katahimikan ang kinatatayuan namin.

"Austin? Ano yun?"mahinang tanong ni Thalia.

" 'di ko alam. Mabilis ata ang isang iyon." sagot ko sa kanya. Nakita ko ang paglapit ni Lee sa may pader at may dinampot ito.

"Lee anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa harapan. Ilang metro ang layo ni Lee. Nang mapulot na niya ang bagay na iyon ay humarap siya sa amin.

"Guys ano to?" nagtataka niyang tanong habang ginagalaw galaw ang kanyang mga daliri na may malapot na laway.

"Yucks! Kadiri ka Lee!" sabi ni Katie sa kanya.

Natumba ako sa pagkabigla ng tinalunan ng malaking gagamba si Lee at kinain ito.

"Ahhh...tu-tulong!" tanging sigaw ni Lee habang unti unting naging abo ang kanyang katawan. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang pagkabigla at sa bilis ng pangyayari.

"Austin tayo na!" sigaw ni Thalia sa akin pero parang hindi ko ata maigalaw ang aking katawan. Nakita ko ang mabilis ng pagtakbo ng malaking gagamba papunta sa akin.

Bztttttt! Tumilapon ang gagamba ng matamaan ng kuryenteng nanggaling kay Thalia.

"Austin ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. Inabot ko naman ito tsaka inalalayan niya akong tumayo. Bumalik sa normal ang aking pag iisip.

"O-oo ayus lang ako." tanging sagot ko sa kanya. Nakatuon ang aking atensyon sa patay na malaking gagamba.

"Alam mo ba kung ano 'yan?" tanong niya sa akin. Napailing-iling na lamang ako.

" Guys ayos lang ba kayo?" tanong ni Katie ng makalapit na sa amin.

"Ayos lang kami." sagot naman ni Thalia.

"What the heck is that thing!?" inis na tanong ni Katie.

•••

This chapter is dedicated to: GleziousCuerbo, messyblast, ChaeyongDaisy, mqpandez.

St. Achelous Academy: The Hidden School For DemigodsWhere stories live. Discover now