Ayun! babatuhin na sana ni Hyo ng tsinelas nya ang dalawa ng magsalita si Suho hyung.

"Kung kumpleto na ang lahat, aalis na tayo."-sabay tayo nito

"Wait! wala pa ata si Yoona.."-mabilis at slang na sabi ni Yuri

Tumingin ang lahat sa paligid at wala pa nga sya..

"Bakit wala pa sya?"-tanong ni Kai

"Nagdadasal pa ata."-inosenteng sagot ni Lay hyung sa kanya

"Oh ayan na pala sya eh."-agad kaming napatingin sa bandang kusina dahil sa pagturo ni Sunny.

"Okay game! tara---"

Hindi naman natapos ang sinasabi ni Chen ng biglang magsalita si Seo. Naku bakit parang gumanda sya ngayong araw? hehe..

"Pasensya na po kayo, pero magtatanong ulit ako kung talagang gusto nyong pumunta sa lugar namin? At sasabihin ko ulit, hindi ito normal na bundok lang kagaya nung mga nakikita nyo o naakyat nyo na---"

Pero hindi na naman nito natapos ang sasabihin nya ng magsalita si Umin hyung.. hyung naman! nagsasalita pa nga si Seo eh!..-"Enough and let's go."-sabay tayo nya at naglakad na nga palabas bitbit ang backpack nya.

"Wait for me!"-at tumayo na din si Sunny para habulin si hyung pero..-"WAAAH! YUNG MANIKA KO! NAKALIMUTAN KO!"-saka agad itong bumalik at mas binilisan pa ang takbo papakyat sa kwarto nila ni Kyungsoo.

Tumayo na din si Jessica..-"After all, we're really going."-sabi nya bago ibinigay kay Kai ang napakalaking backpack nya..-"Be careful with my things. Maraming mahal jan."-dugtong pa nya at lumabas na nga din.

"Teka bakit sakin?"-nagugugluhang tanong ni Jongin

"Ehh kasi mukha ka daw boy sa kanto"-ngisi ni Yoona bago sumunod na sa mga nauna.

Habang lukot na lukot ang mukha ni Kai ay parang natutuwa at kinikilig naman itong si Inday Yuri sa kanya. Hay nako pag-ibig nga naman. Sus! Mauuwi din yan sa hiwalayan. Iling-iling ko at tumabi kay Seo.

"Let's go!"-pag-aya ko sa kanya saka kinuha ang malaking bag nya

"Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari Yeol."

Ayan na naman sya. Kinakain na naman ng kaba. Binigyan ko nalang sya ng ngiti.-"Wag kang mag-alala, tutulungan kita. Saka isa pa magtiwala ka lang kay Suho. Kahit halos isang dosenang mga siraulo at syam na may topak, kayang kaya nya yan. Magaling si hyung pagdating sa leadership."

Napabuntong hininga lang sya. Sabagay wala na rin naman syang magagawa eh.

--

Nasa bus na ang lahat at pinaandar na nga ni D.O ang sasakyan. Sya ang driver kasi nga malaki at matalas ang mga mata nya. Katabi nya si Suho hyung na pinag-aaralan ata ang mapa papunta dun sa paanan ng bundok. Hindi kasi alam ni Seo ang papano papunta dun. Kasi daw kung hindi dahil sa napanalunan nyang shampoo raffle ay hindi talaga sya makakababa ng bundok sa buong buhay nya. Saka sinundo din daw sya nun. Sabagay, sa sobrang layo ng lugar nya sa syudad, matatandaan pa ba nya yan?

Napatingin ako sa kanya. Magkatabi lang kami pero bakit sobrang lalim ng iniisip nya? Bigla din akong napa-isip. Ano bang meron dun sa kanila at parang nangangamba at natatakot sya na ewan?

May Wrong Turn ba dun?

O 'di kaya..

Totoong Aswang sya?

Wala sa sarili akong napasinghap. Muli akong napatingin sa kanya.

Pero parang napaka-imposible naman? Kasi pang anghel mukha nya.

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now